Siguro try mo sya kausapin ng masinsinan pag hindi na sya lasing and wala ng hangover. Make sure na hindi wrong timing. And pag nag-usap kayo wag agad yun ang itanong mo. Simpleng kamusta parang daily conversation nyo lang then unti unti mo open yung topic like mukhang napasarap inuman nyo kagabi, napapadalas yata honey or kung ano mang tawagan nyo. May sine-celebrate ba kayo ng friends mo or is there something else ganito ganyan. Baka mas mag-open up sya sayo. Pwede mo rin sya ask like honey baka pwedeng uwi ka naman maaga bukas, wait ka namin ng anak natin, pagluluto ko kayo ng favorite nyo or isip ka ng reason para ma-encourage mo sya umuwi earlier sa bahay. That way mailalayo mo sya sa bisyo nya di ba.
Magbasa pa