PRE-ECLAMPSIA POSTPARTUM Day 6

Nanganak na po ako nung 16- 38 weeks & 1 day, start labor 14 ng tanghali tas may discharge na yellowish liquid na malapot tas 15 ng midnight admit. 1cm. 12noon, 2cm palang, gabi panay tingin heart activity (tama ba?haha) ni baby pero sakit sakit na nun saka lang ulit ako IE 6cm na, pinasok akong waiting room. Maya maya pinagpush ako para maka10cm at binasag nila water sack ko, midnight ng 16 salang ilabas si baby pagod magpush, nakamask at nasa loob ng plastic di ko kinaya nilabas si baby sa loob ng 1 1/2hour. CS nila ako ng 4am. 17 discharge agad pero si baby yellow baby kailangan phototheraphy kaya lipat kaming nursery, hall na sira/unfinished na pang aircon ang design sobrang init parang evacuation. nilalagnat si baby at that time la din nalabas pa saking gatas, dehydrate na daw. Turukan daw dextrose pag ganun. Di rin maphototheraphy kasi naiyak siya ng 2 hours ?? Iyak na ko ng iyak kasi pag tinetemp siya nagroround na nurse may lagnat, pag dinadala namin NICU normal naman kaya lumipat kami private room ng 18. Awa ng Diyos, nawala lagnat, napadede din namin siya sa hiningi kong breastmilk pero sa bottle nga lang. Tas yun phototheraphy machine dinala sa room namin kaya gang madaling araw ko siya nilagay dun. Nagpump ako natapon pa tas hirap ipump kaya nagstop si hubby. Nastress ako nun, iyak ako ng iyak kasi gusto ko paggising baby may madede na siya agad. Nun naubos gatas ng madaling araw, di siya nasatisfied sa gatas ko. Iyak na siya ng iyak nagpahingi ulit kami milk mga 5am/6am ata yun tas nadischarge din kami that day, 19. Gabi taas na bp ko 130/90, pero imbes magsleep na ko natulo gatas ko nagpump pa ko unti lang din napump ko. 4am ng 20 150/100 na bp ko, hanggang tanghali 160/100 nagfollow up check up kami doctor ko kasi mula nadischarge ako sobrang manas ako. Pinaadmit ako, gabi ng 21 pag inom ko antibiotic ko hirap ako huminga la man lang nagresponse na nurse sinabi ko na pagkainom lang antibiotic ko tas 22 umaga after ko inumin naman isang antibiotic ko nagnumb half body ko sa left. Actually mula start inumin ko antibiotic parang kabara siya sa lalamunan ko sinabi ko nun naadmit ako di pinansin nung OB. May allergy pala kami sa antibiotic nalaman ko tapos na medication ko. Kaya nagtransfer kami private hospital, dun nalaman na bumaba potassium ko kaya namanhid katawan ko kakapaihi sa public hospital dahil sa taas BP ko iCCT Scan sana ko sa public pero buti lumipat na kami di ako naexpose sa radiation. At feeling ko nagmild stroke ako nun kasi ang bigat paa ko never din bumaba bp ko 130-160/100. Nun nalipat ako private, awa ng Diyos, naging 90/60 pa ng paggising ko ng 22, tas nakatulong dextrose ko na may vit.b complex. Nakalabas din same day pero bedrest pa rin till now, di ko maalagaan si baby. Unting alaga ko nataas na agad bp ko, andun siya sa mama ko habang ako alaga ni hubby. Pag kahiga lang ako nagiging 100/70 BP ko. Kaya iwas po sa maalat, sweets at fatty foods and oily mga mommy.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Feel better soon, momsh. Iwasan mo mag puyat and eat healthy. Gagaling ka din at makakasama mo na baby mo.

5y ago

Good thing aware ka if nag PPD ka. Think happy thoughts and wag ma pressure kung walang gatas na lalabas. Bago palang kasi kaya kaunti palang ang gatas mo. Eat malunggay palage and lots of water