Kelan pwedeng maligo?

Nanganak ako sa 2nd baby ko last January 8, normal delivery. Sa 1st baby ko, naalala ko may ibat ibang dahon na pinakuloan. Pinatayo nila ako sa usok ng mainit na tubig na may mga dahon tapos pinaligo din yun sakin. Kaso di ko alam kung pano yun kasi wala na yung babaeng gumawa non. Ang mga tanong ko: 1. Kelan po ba pwedeng maligo na? 2. Sinong may alam sa mga traditional na practices tulad ng kwento ko sa taas? O kahit sa dahon bayabas lang, paano yun?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

If you want yung traditional pa din po.. sa case ko dati.. kumuha sila ng hilot. 2 weeks nya ko araw araw pinupuntahan sa house para ifull body massage. Bawal pa maligo nun. Sya din nagpaligo saken after that 2 weeks. Ang ginawa ng mil ko.. bumili sya nung 7-7 sa palengke. Halo halong dahon po yun. Hinugasan nya isa isa tapos pinakuluan. Yun po ang pinampaligo saken nung hilot. Same... pinaupo po ako sa mga dahon na may usok. Parang yung mga dahon din po un na pinakuluan.. nilagay nila sa planggana tapos dun ako pinatayo habang pinapaliguan. Di ko alam papano sila nakacreate ng usok.. basta mainit po habang naliligo.

Magbasa pa