29weeks (Monthly Check Up)

Nananahimik lang ano pero sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayare, saan ba ako dapat? anong dapat ko gawin? anong dapat ko sabihin? Vitamins, pagkain, ultrasounds, laboratories, ngayon pati check up kina-cancel mo na din? check up ko ngayong month sinabi ko yun sa partner ko ngayon lang pero ang sagot nya "ngayon? love next month nalang sabay sa ultrasound please" okay lang ba na hindi ako makapag pacheck up kahit ang dami dami ko ng nararamdaman? katulad nh madalas na paninigas ng tyan? ano pa bang maka-cancel? ano pang titiisin ko? #pleasehelp #advicepls #pregnancy

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

so sad kasi ganyang klasing lalaki napunta sayo. magpa check up ka momsh. maghanap ka ng ibang pwede na samahan ka sa check up. Di pwedeng ganyan kasi kawawa si baby. ay naku sorry mommy pero parang tumaas anger issue ko. nakakainis naman talaga kasi. nung ginawa niya pa ang baby nasabi niya din sayo na "Next month nalang sabay sa monthsary" di naman diba? tapos ngayon ipagpapaliban niya lang? excuse me sa nasabi ko mii ha pero di talaga tama yung ipagpapaliban mo ang check up ng mag ina mo. knowing na marami ka pang iniinda. 29weeks ka palang. dapat regular talaga ang prenatal. pag pumunta ka sa clinic niyan ikaw pa papagalitan kasi baket di ka sumusunod sa time na pinapabalik ka. Wag kana magpasama sa asawa mo. hanap ka nalang ng available na samahan ka. please, isipin mo naman baby mo. sayo lang yan naka dipende tapos susundin mo lang asawa mo na alam mo naman na mali. Wala ka dapat tiisin at walang dapat e cancel.

Magbasa pa