29weeks (Monthly Check Up)

Nananahimik lang ano pero sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayare, saan ba ako dapat? anong dapat ko gawin? anong dapat ko sabihin? Vitamins, pagkain, ultrasounds, laboratories, ngayon pati check up kina-cancel mo na din? check up ko ngayong month sinabi ko yun sa partner ko ngayon lang pero ang sagot nya "ngayon? love next month nalang sabay sa ultrasound please" okay lang ba na hindi ako makapag pacheck up kahit ang dami dami ko ng nararamdaman? katulad nh madalas na paninigas ng tyan? ano pa bang maka-cancel? ano pang titiisin ko? #pleasehelp #advicepls #pregnancy

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

huh? bakit laging cancel? Kung may budget Naman bakit Hindi pa ngayon πŸ˜… Pag buntis dapat monthly or every two weeks ang prenatal check up. dapat inuuna nya kayo ni baby Kasi need un . vitamins at laboratories. nakakaloka Yang partner mo. ang pagbubuntis magastos talaga lalo na pagkalabas.baka next time savhin ng partner mo Pag need ng ipacheckup si baby next time na Lang abay Hindi pwed un.. Kung Hindi Ka kayang samahan sabihin mo magpapasama Ka na Lang sa family mo or sa kaibigan mo Kung busy sya..mga lalaki ngayon Hindi mo na maintindihan bakit palaging Babae ang mag titiis . Pero sa mga gusto nilang gawin Hindi pwedng hindi matuloy sasabihan Ka pa ng sinasakal mo sila πŸ˜‚ wag Ka ng magtiis mommy ikaw na gumawa ng move . walang mangyayari Dyan. parang Hindi pa handang maging Tatay πŸ€” Kung nanghihinayang sya sa ginastos nyo sa pag papaultrasound ganun Naman Kasi un swerthan Lang Kung malalaman Kung anong gender ni baby ang mahalaga healthy ung bata.maganda Rin namn un para macheck Kung ano timbang ni baby at Kung normal ung development nya..gastos Lang Yan πŸ˜‚ ganun talaga pwd Ka namn lumapit sa malasakit or sa health center may mga libre dun vitamins at lab. minsan may librang ultrasound din.

Magbasa pa