29weeks (Monthly Check Up)

Nananahimik lang ano pero sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayare, saan ba ako dapat? anong dapat ko gawin? anong dapat ko sabihin? Vitamins, pagkain, ultrasounds, laboratories, ngayon pati check up kina-cancel mo na din? check up ko ngayong month sinabi ko yun sa partner ko ngayon lang pero ang sagot nya "ngayon? love next month nalang sabay sa ultrasound please" okay lang ba na hindi ako makapag pacheck up kahit ang dami dami ko ng nararamdaman? katulad nh madalas na paninigas ng tyan? ano pa bang maka-cancel? ano pang titiisin ko? #pleasehelp #advicepls #pregnancy

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

29 weeks madalas na paninigas? ako 26 weeks nag open cervix ako internal cervix at external. sabi nga manganganak na ako in 3 days. wala akong pain ganyan lang naninigas nawawala din pag pahinga akala ko normla lang kasi sabi nila normal lang daw. pagpalacheck up ko nai open ko sa ob ko ayun open cervix. wag po tayo pakampante gawan po ng paraan ung check up. 31 weeks na ako. bed rest puro pampakapit. ung vitamins importantw po pag mahal ung vitamins niyo papaltan niyo sa ob or hingi kayo sa center. kelangan niyo ni baby yan.

Magbasa pa