Say Hi Cosmos to the World my Knot umbilical cord baby
Name:baby girl COSMOS S. CARRERA EDD:Oct 12 DB: Sept 16 2.6kls @ 36 weeks Just want to share everything πmy pregnancy, my labor and her Birth story. Eto na nga napaaga ang paglabas nya na dapat oct pa, medyo maselan ang pagbubuntis ko nandyan yung lagi akong dinudugo at nasasanay na nga ako ng ganun parang normal na sya sakin, nandyan yung time na threatened miscarriage ako pero makapit si baby at masasabi ko whole pregnancy ko halos bedrest ang ginagawa ko. Buti na lang at naglockdown nun kaya naalalayan ako ni hubby, ewan ko ba bakit ganun ang pregnancy ko. Maingat naman ako umiinom ng gamot, lahat ng bilin ni OB ginagawa ko kumakain ng masustansyang pagkain kasi matagal ng hinihintay ni hubby na masundan si panganay 5 yrs kasi bago nasundan nagresigned na ako sa work ko para matuunan ng pansin ang pagbubuntis ko at si panganay. Eto na nga the whole pregnancy ko din breech si baby wala talagang cephalic sa mga ultrasound nya kaya dun nabahala na ako sabi nila may chance pa daw yun umikot hanggang 37 weeks ako naman syempre naniniwala na makakaikot pa sya kasi sobrang likot naman nya ihh na parang may nagsosoccer sa loob ng tyan ko. At 31 weeks na checkup breech pa din kaya inalam ko asan bandang ulo nya asan pwet paa para alam ko gagawin ko ginawa ko yung pagtaas ng balakang, pagpapatugtog sa bandang puson pagpapailaw din sa bandang puson, muslim position, pagtulog sa left side kahit hirap na hirap at ngalay na go pa din paglakad at pagehersisyo kahit 10-15 mins a day lang kasi di ako pwede ding tadtarin sa ehersisyo ang katawan ko dahil sa dinudugo nga ako baka mapaanak ako ng maaga. Sa buong bwan na to hanggng sa huli kong checkup ramdam ko breech pa din si baby di pa din nakakaikot kahit ang dami ko ng ginawa. Sept 15 followup checkup nmin ng makita ni OB yung last ultrasound ko 37 weeks na daw ako sabi ko doc d b 36 weeks pa lang po, 37 na daw kasi pinagbasehan nya yung last ultrasound ko so IE nya ako nakita nya 1cm na ako at breech nga si baby pinaBPS ultrasound nya ako nakita na may dumi na sa panubigan ko hindi na daw pedeng patagalin Δ·asi baka makain ni baby yung dumi mas magiging delikado sinabi pa nya ano CS na kita bukas na para ok na. Ako syempre shock Checkup ko lang ahhh my doubt pa ako CS agad option? ahahaha tapos pinasked na akong ICS bukas agad agad di ba 36 weeks pa lang kami di ba full term si baby so premie sya sabi ni doc kaya ni baby makasurvive na kasi at 36 weeks nasa 2.8kls na ang weight nya sa ultrasound yun so ako di pa din ready lalo kalooban ko hindi ako takot sa hiwa ihhh takot ako sa recovery kasi sa mga feedback na naririnig ko mahirap daw, sinagot ko si OB doc pede po ba next week ππ€£π sept 22, bday kasi ni hubby yun kung kaya sana sabi nya di na daw pede paabutin ng 1 week kasi nga sa dumi ng tubig ko at nag1cm na ako so sabi ko doc sige po uuwi n muna ako kausapin ko asawa ko. Pero di po ako aabot ng saturday magpapahiwa na po ako sanyo tawag po ako kapag ok na po at nakapagdesisyon na ako. So paguwi ko shock pa din ako ihhh hala maCCS ako ok lang naman kay hubby napaghandaan naman nmin to mapanormal o CS man. So i decide sa thursday pahiwa. Pero that day sept 15. Nakaramdam na ako pananakit ng puson na matindi syempre iniisip ko baka braxton hicks lang na madalas ko maramdaman. Pero iba na yung pananakit parang may regla ka, isa pa simula ng inIE ako ang tigas na ng tyan ko at marami ng lumalabas sakin ng discharge na may dugo buong dugo ihi din ako ng ihi at di na talaga ako nakatulog that day kasi sa galaw ni baby na sobrang bigat na ng galaw nya dagdag mo pa na umaatake yung carpal tunnel ko so sabi ni hubby mukhang naglalabor na daw ako so bukas na bukas daw magpapaCS na daw ako wag daw akong magalala andyan naman daw sya at di nya kami pababayaan ni baby ayiieee ππ, so ako umoo na sa kanya kasi iba na talaga yung nararamdaman ko, sept 16 4am gising pa din ako nagutom ako kaya kumain muna ako ng tinapay para mawala lang gutom ko naawa na si hubby sakin pati sya nababahala na minamasahe na lang balakang at kamay ko at finally nakaidlip din nagising lang ako ng around 6am ng marinig ko si hubby na tinatawagan yung clinic na magpapaadmit na ako today para maCS so punta na daw kami dun, buti na lang din naayos ko na ng mas maaga yung mga gamit nmin ni baby for 3 days at mga need pang dalhin para di na pabalik balik si hubby sa bahay kasi wala syang magiging kapalitan ng pagbabantay samin kasi biglaan nga din ang panganganak ko. 8am nasa clinic na kami konting interview bigay referal tapos di na ako pinapakain chucks gutom pa naman ako dahil sa puyat kahit tubig hindi na daw pede π pinapunta na kami sa hospital. So pagdating sa hospital swab test pa ako around 9:30 pinagpalit na ako ng Gown nakadextrose na at pinaupo na ako s stretcher at diretso sa operating room bilis ng pangyayari di man lang ako napicturan ng asawa ko na papunta ng operating room dinala na ako agad dun kung ano ano na kinabit sakin π 9:51 tinurukan na ako ng pampamanhid sa likod ko at wala pang minuto my gosh para akong baldado wala na akong maramdaman sa babang parte ng katawan ko at start na nga groggy ako ihh di dahil sa tumalab yung gamot kundi sa antok at gutom pero alam ko lahat ng nangyayari alam ko iNIE pa ako at nasabi nung isang doctor open na to doc ahhh oo nga ihhh means nga talagang nglalabor na ako sa bahay pagkauwi ko galing checkup kaya pala sinasabihan na ako ni OB na magpahiwa na bukas sorry doc di ako naniwala sayo agad π Doc hinihiwa nyo na po ba ako?? Oo daw wag daw ako magalala para lang ako minamasahe which is totoo naman weird ng pakiramdam, nurse hindi ako makahinga ok lang ba tanggalin face mask ko sorry maam di po pede gosh imagine inooperahan ka nakafacemask at faceshield ka so tiis tiis na muna kaya mo yan sinasabi ko sa sarili ko habang nagdadasal Lord palalabasin ko na muna si baby pagtapos kayo na po bahala kasi di talaga ako makahinga ng maayos narinig ko baby out 1005am wow doc sabi ni nurse nakabuhol yung cord nya pano nagyari yun picture muna tayo, tapos nakita ko si baby nililinis na sya pinipicturan nila si baby hangang hanga sila kasi nakaknot ung cord nya at first time nangyari yun sa hospital nila at first time din ni OB makaexperience ng knot cord sa mga naCCs nya take note po si OB nasa 50's na ang age. So ako hirap huminga gusto ko na kasi matapos yung pagtatahi sakin naririnig ko si OB nakakahulog ng gamit 2 times na nanghihingi ulit ng nahulog ng gamit. Tpos mga 1030 tpos na daw nililinis na ako tapos binulungan ako ni OB ok ka lang ba? Umoo ako kahit hindi πsabi nya goodchoice nagpaCS daw ako agad at di na magpatumpik tumpik kasi yung cord ni baby nakabuhol so kapag nagtagal pa yun maaring magbuhol ng maigi at mawawalang ng oxygen si baby sa loob ko magpalakas daw ako ok na daw lahat. .Praise God nasambit ko ang buti mo Lord di mo kami pinabayaan. So nung nasa room n ako 1pm di pa sinabay na iroom in sakin si baby kasi under observation sya kasi 36 weeks lang sya at check kung need pa ba syang i antibiotic at giniginaw daw sya saka sabi di ko pa din kayang ibreastfeed si baby kasi may time yung paggalaw skin, kaya si hubby inutusan ko punthan si baby at tignan picturan nya pagbalik pinakita nya yung pic natawa ako ako nagdala sya ang kahawig epic fail pa kasi yung gamit nyang damit hindi samin kasi alam ko ang damit ni baby kasi ako nagayos nun at bumili hiniwalay ko na din susuutin nia kako balikan mo double check mo bat ganyan damit nya baka nagkapalit sa ibang baby baka di natin baby yan nagbigay pa ako ng sample ng damit ni baby para ipakita nya sa NICu sabi nya yun daw si baby nakita nya sa picture di pa nya kasi nakita sa personal si baby kasi sa sobrang busy ng mga nurse dahil sa dami ng nanganganak pagbalik nya si baby daw yun pinahiram sya ng damit ng ospital kasi special daw si baby sa kanila saka yung damit ipapasuot na lang pagiroroom in na sakin sorry baby di ko lang matanggap hawig mo si papi mo βπ after 4 hrs nilagyan ng unan ulo ko after 4 hrs ulit tinaas na akong parang nakaupo pero di pa din ako masyado makagalaw dahil sa pampamanhid pero pede na aking gumilid gilid so ako ginawa ko sabi ko kay hubby lilinisin ko si boobsie para pagbigay key baby masuck na nya at nagulat ako paglinis ko ng cotton at pinisil ko may milk na thank you Lord. Pagbigay sakin kay baby nasambit ko sulit ang hiwa ahhh di ko pa sya mapadede ng maayos nakasidelying kami kasi di pa akong makakilos ng maayos kasi ramdam ko na ang sakit ng maCS π eto na yun so kinabukasan nakakaupo na ako tinanggal n dextrose ko at catheter ko nakapaglinis na din ako ng sarili ko parang di daw ako inoperahan nabreastfeed ko na din maayos si baby Praise God di na sya need iantibiotic kasi walang naging problema sa kanya so ako na lang daw ang iaantibiotic para sa tahi ko isa pa nagulat ako sa tahi ko wow bikini cut Doc naman concern ka talaga din sa kaartehan ko hehehe medyo nilalagnat ako so sabi ni Doc kung di na ako lalagnatin pede na daw kami makauwi at ayun nga sept 18 nakapagdischarge na kami sa hospital at nakauwi na sa bahay na ang continue ng pagpapagaling at isa pa expected ko yung tahi ko is literal na tahi pero nung nakita ko napawow na lang ako parang wala lang walang sugat sa labas at 3 days pa lang marami na akong gatas. Kung ano ang hirap ko nung nagbubuntis ko ganun naman kadali yung paglabas ni baby kaya sulit at balanse lang lahat. Sulit ang pagod at hirap.Salamat sa mga nagbasa at napahaba. Godbless sanyo mga mamshie. Kaya nyo yan ππ#theasianparentph