Baby's Out!

NAME: AJ Santos DOB: February 19, 2022 (9:52am) DELIVERY: Caesarian Share ko lang. Nagpacheck up ako last February 15 para malaman kung umikot si baby kasi transverse sya. Sinabihan na ko ni Dra na ako na daw magdecide if papasurgery na ko. Pero nagdecide ako na mag antay pa ng isa pang linggo since closed pa cervix ko at wala pa contractions. February 17, may naramdaman nakong paninigas na hindi ko usual na nararamdaman. Masakit tapos pabigla bigla nalang. Pero kinausap ko si baby na intay lang. February 18 ng gabi, di ako makatulog kasi humihilab na sya pero nawawala naman ung sakit pag nagchange position ako. February 19 ng madaling araw, ung unang bangon ko para umihi, sobrang sakit nung singit ko kung san ulo nya. Around 3am, nagising ako na parang may reglang lumabas sakin. Pag check ko sa cr, pumutok na pala panubigan ko. Pagdating namin sa ospital, pinaantigen ako. Pag check ni Dra, 1cm pa lang ako. Pero transverse pa din si baby. So nagdecide nalang ako na mag e-cs na. Naschedule ako for cs around 9am. Nagstart mag anesthesia ng 9:15am, nagsurgery by 9:35am and baby's out by 9:52am. Then natapos whole surgery ko by 10:30am. Nakalabas na din kami ni baby last Monday. Mas natakot pa ko sa antigen ko kesa sa operation ko mga momsh. Kasi ililipat ng ospital kapag nagpositive dun. Yun lang! #1stimemom #firstbaby #babyjourney #sharekolang #baby #babygirl

Baby's Out!
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po! Yes po, ang bilis lang talaga pag CS. Ako po naglabor pa almost 14 hours tapos na CS din hehe.