Nalulugas buhok ni baby.

Nalulugas buhok ni baby sa bandang likod. 4mos na sia. Aveeno pala ginagamit nia sa pagligo, since namumula balat nia at hindi hiyang sknya ang dove at lactacyd. Makita mo pinaghigaan nia, sa damit nia, andaming buhok na maninipis.#firstmom #advicepls #firstbaby #FTM .☹️

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same with my baby pero normal lang daw po yun kasi napapalitan na yung hair nya. Ginagamit ko sa ulo ni baby is yung hair highness and sunflower oil ng tiny buds effective pampakapal ng hair ni baby

Same po sa baby ko mommy, nalalagas din pero normal lang daw yan. Kasi ngayon tumutubo na buhok ng baby ko. Tsaka kumapal din buhok niya nong ginamitan namin ng tiny buds HAIR HIGHNESS.

Hello po. Naexperience din po yan ng baby ko. Sabi ni Pedia normal lang daw yun and hayaan lang. Tutubo din daw po. From lactacyd, mustela po ipinalit namin ☺️

same. sabay pa kami ni baby na maglagas ang hair 🥹