Nalaman ko na yung partner ko ay nag memessage sa ibang babae. Gumawa sya ng bagong account, tapos nakita ko na may tatlo syang babae na chinat at nag "hi" sya. Pero walang conversation. September 2020 pa Yung chat na yon. Ngayong march 18 ko lang nakita 😭
Nagsinungaling sya sakin na Hindi daw sa kanya yung account na tinanong ko dati. Pero nakita ko na nasa phone nya at nabuksan ko yon. Bukod sa mga chats, nakita ko din na may sinesearch sya na random girls. Nakita ko sa search history.
6 months na akong buntis ngayon at sobra akong nasasaktan sa nalaman ko. Dahil year 2020 pa lang ay sumusubok na sya na makipag usap sa iba. Mag lilimang taon na din kami
Nagaasikaso kami ng pagpapakasal ngayon pero natatakot at nasasaktan na ako 😭😭
Hindi ko alam Kung anong gagawin ko.
Ayoko na magalit sa kanya, pero sobra akong nasasaktan.
Hindi ko alam kung anong pagkukulang ko.
Nanghihingi lang sya ng sorry pero hindi nya sinasabi Kung bakit nya yun ginawa. 😭😭#firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls #cheating