Miscarriage
Nakunan po ako π 3 months na si baby sa tyan ko. Hanggang ngayon nasa ospital pa ako, si mama lang kasama ko kasi malayo ang mister ko, nasa ibang province. Akala nila ok ako kasi di nila nakikitang umiiyak o nanghihina ako pero ganitong tulog lahat sa ward naiiyak ako. Masakit mawalan lalo na 2 yrs and 7 mos na pgsasama bago ako nabuntis, sinisisi ko sarili ko, naging pabaya ako. π ang malas malas ko! Nung nabuntis ako sa pgkadalaga naisilang ko sya pero special child sya, down syndrome tapos namatay after 1 year, that was 10 yrs ago. Bumabalik sakin yun ngayong nakunan ako. Pkiramdam ko di ako worthy mabigyan ng anak kasi bakit nawawala, pinabayaan ko sila ππ hinang hina na ang loob ko π wala pa dito mister ko, di mkkauwi at bawal pumasok dto sa masbate ang walang vaccine. Hindi ko alam kanino ako maglalabas ng nararamdaman ko kaya andito ako π iniisip ko pa masayang masaya mister ko noong nalaman nyang buntis ako kasi makikita na daw nya kmukha nya tapos ngayon di ko na maibibigay yun π nawawalan ako pag-asa na mabuntis ulit kasi matagal bago ako nabuntis eh. Plano ko sumunod sa knya sa province nila kaso wala kming sariling bahay doon, baka by dec . pa alis ko mgrest muna ako. Di rin kc sya pwdng umuwi dto samin at andun work nya, mahirap mkahanap work dito. Naistress ako kkaisip ano ba dapat gawin. Kya lng hanggat d ko sya ksama lagi ako mgkkaganito na feeling at d ako mbubuntis. Sa knya ako kumukuha ng lakas maliban kay God. Hirap na hirap ngayon ang loob ko π