Sorry baby

Nakokonsensya ako. ? I have 1 month 2 weeks baby and kagabi kase nakapagsabi ako ng nakakainis na or nakakainis ka na sa baby ko ??? Antok na antok na kase ako nun tapos siya naman ilang beses ko na hinele, matutulog pero pag binaba ko nagigising. Kagabi nakaidlip na ako 15mins nung naibaba ko siya kase tulog na siya tapos bigla nanaman nagising. Niyayakap ko siya pag tulog kase dun siya kompotable. And out of the blue nasabi ko yun ??? Feeling ko tuloy ang sama kong nanay sakanya. Alam ko naman na mahabang pasensya at tyaga ang dapat kaya lang siguro sa sobrang pagod ko at antok nasabi ko un. Sorry ako ng sorry sa baby ko ngayong umaga ?? sana naiintindihan niya ako. Wala naman ako katulong sa pagpupuyat sakanya. Yung lip ko di nagtatagal alagaan si baby. Wala pa nga 10mins na karga niya sumusuko na ? Kaya para sa baby ko, "Pagod lang si Mommy. Pasensya ka na kung nakakapagsabi ako ng ganun. Ikaw yung pinakamagandang nangyare sa buhay ko, hindi ko sinasadya ung sinabiko. Mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko at kahit sino."

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh i understand you po. Nasa stage po ksi tayo ng postpartum. Ako namura ko si baby. Hanggang ngayon minsan namumura ko nakakaiyak talaga kasi nakakapagod kaya advice ko po na pag ganyan iiyak si baby makisuyo kayo kay partner para matulungan kayo. Iyakin talaga ganyan month. Tabihan niyo po unan or mas maganda i swaddle. Gusto kasi ni baby yun init galing saten. Namimiss kasi niya yun nasa loob siya ng tiyan kaya advisable po na iswaddle siya or siksikin ng unan pag tulog. Sana magwork po. Saken medyo matagal bago ko nakuha. You’ll get there mommy. Makakatulog ka rin po maayos basta pag 3 mos na siya itrain niyo na po matulog sa gabi ng naka dim light para matuto. Ganun ginawa ko and it worked. Patience pa more mommy and always talk to baby kahit di niya pa naintindihan sinasabi mo

Magbasa pa

Everytime naiinis kayo mommy isipin nio na hindi sila forever baby. Hindi sila habang buhay namumuyat. Nung baby pa tyo baka nga mas nakakainis din tyong alagaan nuon pero inintindi tyo ng mga nanay natin. Inalagaan. Sana isukli ntin un sa mga anak natin. Ganyan po si Lo ko nung unang buwan nia.. pero now okay na kmi sa gabi 3 months old p lang sya pero hindi na ganon namumuyat tulad nung una.. ggising nlng sya pag gutom after mapadede sleep na ulit. Malalampasan mo yan mommy.. habaan lang po ang pasensya 😊

Magbasa pa