How long should you heal after being betrayed by your husband?

May nakilala syang babae na masahista. In short, nagpa extra service sya. 2 times nangyari yun sa kanila. Bilang isang matinong asawa, napakasakit sa akin. An insult for me lalo nong nalaman ko na nag plan sila magka baby. Pero di parin binigay sa kanila ni Lord kasi after na may nangyari sa kanila, may nangyari din sa amin and 2 weeks after na may nangyari sa amin, nalaman nlng namin na buntis na ako sa first baby namin. And im 11 weeks pregnant now.. napatawad ko na sya.. pero yung sakit, di pa rin ma wala². Andito parin. Tagos pa rin. May mga panahon na bigla nlng pumapasok sa isip ko mga pangyayari. Di ko maiwasan minsan maiyak. Wala akong magpa sumbungan though alam naman ng family and close friends namin. Pero alam nyo yung feeling na ayaw mong maka disturbo sa iba. Lalo nat pa ulit² nlng mga ikinukwento mo sa kanila. Nahihiya ako kaya iniiyak ko nlng sa tago. Pag asawa ko naman sinabihan ko, mag aaway lang kami kasi inulit ulit ko na naman daw. Haaaaay.. di naman ako magiging ganiyo kung di nya ginawa yun..

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy sana kahit mahirap wag ka masyado mag isip ng mkaka stress sayo kasi mkaka affect sa baby. Nagawa m sya patawarin and that shows a strong personality. Mahirap masaktan at lalo na d m massabe kng kailan ka mag he-healnaka depende kasi yan sa inyonf dlwa if sincere sya and willing to make up for his mistakes. Praying for your family mommy *hugs

Magbasa pa
3y ago

maraming salamat po sa prayer mi.. nagpapasalamat nga din po ako dito sa app na to kasi sa iba, di mo mae-express ng maayos ang nararamdaman mo kasi maraming nanghuhusga. pwede ka mag anonymous dito para mae-express ko nararamdaman ko. ayaw ko rin naman po i-post sa fb. gusto ko lang po talaga may makakausap o may makukuhang mga ibat ibang idea.. of course, in a nice way naman sana. matatanggap ko naman po mga advice na masasakit basta in a nice way lang sinasabi. pag ganito po kasi mejo nababawasan yung nararamdaman ko na di maganda para sa amin ni baby. naawa nga ako kay baby minsan kaya pilit kong nilalabanan everytime biglang pumasok sa isip ko.. pero may panahon talaga di ko mapipigilan.. sana po di ganon katagal healing process for us kasi nakikita ko din naman po willingness ni hubby na maibalik yung nasira nyang trust ko sa kanya..