How long should you heal after being betrayed by your husband?

May nakilala syang babae na masahista. In short, nagpa extra service sya. 2 times nangyari yun sa kanila. Bilang isang matinong asawa, napakasakit sa akin. An insult for me lalo nong nalaman ko na nag plan sila magka baby. Pero di parin binigay sa kanila ni Lord kasi after na may nangyari sa kanila, may nangyari din sa amin and 2 weeks after na may nangyari sa amin, nalaman nlng namin na buntis na ako sa first baby namin. And im 11 weeks pregnant now.. napatawad ko na sya.. pero yung sakit, di pa rin ma wala². Andito parin. Tagos pa rin. May mga panahon na bigla nlng pumapasok sa isip ko mga pangyayari. Di ko maiwasan minsan maiyak. Wala akong magpa sumbungan though alam naman ng family and close friends namin. Pero alam nyo yung feeling na ayaw mong maka disturbo sa iba. Lalo nat pa ulit² nlng mga ikinukwento mo sa kanila. Nahihiya ako kaya iniiyak ko nlng sa tago. Pag asawa ko naman sinabihan ko, mag aaway lang kami kasi inulit ulit ko na naman daw. Haaaaay.. di naman ako magiging ganiyo kung di nya ginawa yun..

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wow, Buti pinatawad mo pa sya noh kasi ako if saken mangayri yan handa ko syang iwan kasma anak namin eh. I dont know, Siguru iba iba lang talaga tayo. Mas mahalaga kasi saken ang peace of mind and self respect/love. kung binigyan mo na sya ng 2nd chance dpt wla ng ungkatan ng past kasi diba nonsense if nagbigay ka pa ng 2nd chance tpos brought up lang din edi ang ending mairita sya tlaga kasi tinanggap mo na nga pero prang labas sa ilong,gets mo? which ayaw ng mga lalaki ng ganun. Kung nagpatawad ka then be it but un nga ang ikaw sayo hnd ka makakalimot. Wla ka ng peace of mind. May doubt ka na sknya palagi. anyways try to build and apend more time with him pra maibalik or work out relasyon nyo.

Magbasa pa
3y ago

yes po kasi in my mind we are all sinners, i need to give him 2nd chance if willing din po sya which is willing naman din po talaga sya.. salamat po sa thought. yun ang gusto kong malaman. yung about sa side ng mga lalaki kasi i know naman po na iba iba ang nararamdaman ng mga lalaki at babae.. di ko naman po inoopen up sa kanya na parang sinusumbat ko pagkakamali. yung sa akin lang po, sinasabi ko sa kanya everytime mararamdaman ko ulit bigla yung sakit kasi wala na rin po ako mapagsabihan. yun na nga po, dati nagagalit sya kasi nga inaamin na nga daw nya bat pa inuulit ulit. pinapaintindi ko naman po sa kanya na hindi ganun kadali nawawala yung sakit na binigay nya sa akin. naintindihan naman na nya. di na nya ako sinasabayan ngayon.. i can see his effort din naman to build my trust again. salamat po