Taking care of the baby after C Section

Nakaraos na po ako via CS. EDD March 25 pero March 21 nagpabukas na hehe. I have a very slim body kaso umabot ng 3.3kg si baby kaya CS is the way to go. Healthy po si baby kaso nag allergy sa gatas kaya naka S26 Gold HA. Kaiyak ang presyo mga miii. Pero para kay baby lahat bibigay lalo't nakunan ako before. Mahina rin kasi ang gatas ko sa ngayon. Ask ko lang po sa mga naCS na dyan, gaano po katagal bago nyo po totally naalagaan si baby. Yung as in kayo po nagpapadede, naghehele, nagpapalit, etc. Gusto ko po kasi alagaan ang baby ko pero priority daw po muna ang pagpapagaling kaya konting hawak hawak at pagbabantay lang nagagawa ko ngayon. I feel useless kasi ngayon. Parang after ko ipanganak ok na kahit wala ako 🥲 #FTM #CS

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po noon paglabas ng ospital, ako na po nagasikaso kay baby. need rin po kasi magkikilos kahit CS para po sa fast healing ng katawan. wag ka lang po muna magbuhat ng mabibigat at akyat panaog sa hagdan po. pero if may makakatulong ka naman po sa pagaalaga sa bata, much better para makabawi ka ng lakas. after 1 week, di na po masakit yang tahi.

Magbasa pa

march 6 na cs ako . kinabukasan nag lakad lakad na ako sa hospitals. two days nakami sa hospitals ako na nag aasikaso kay baby. at nakauwe sa bahay.. kailangan mag kilos pag cs di un nakahiga lang po

Ako din after cs nagpadede na ako. At kumilos kilos. After 6 days tuwid na lakad ko. Effective sakin yung mind over matter. If di kaya it’s okay po. Iba iba tayo ng katawan and recovery.