Finally the baby is out!

Nakaraos na din sa wakas. 39 weeks and 2 days. EDD TVS: January 28, 2022 BORN ON: January 23, 2022 Share ko lang mga mii. Nagleak na panubigan ko around 7pm January 23, pero wala pa ring pain so nagworry ako and punta agad sa lying in. Pagdating sa lying in 4cm pa lang walang labor pain tapos sinabi na iinduce na ko kasi nga leaking na yung water ko and wala pa ring pain. So ayun, induced labor, tinurukan ako ng pampa induce mga 9pm something then nagstart sumakit ng 10:26pm patindi ng patindi yung pain pero nailabas ko si baby 11:56pm. Thankfully lumabas agad siya. Di siya bumababa sa una kasi double cord coil pala kaya hindi rin sumakit. Buti nakayanan pa NSD.. πŸ™ Ang kaso sa sobrang pag ire ko nagkapressure sa left ear ko nagdugo siya and parang humina ang pandinig. Magpapacheck up ako sa ENT for the ear.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congratulations mommy, ilan po timbang ni baby paglabas? at pano po nagleak panubigan nyo ? Tuloy tuloy po ba o pakunti kunti lng ?

1y ago

salamat po mii. 3.2kgs siya mii tapos 4'9 lang height ko kaya struggle is real. Tuloy tuloy na po mii yung pagleak pero ang sabi pagkadating ko di pa totally pumutok, leak pa lang daw kasi marami daw water.

congrats po. ako due date na wala padin :(