Success!!!

Nakaraos na din po kami sa wakas! Cian Clark NSD 2.6kls Labor story! 1am nagsimula humilab tyan ko, so nag pupu ako. After ko mag pupu, di pa din nawawala ung hilab. So di ko pinansin, natulog uli ako. Pero nung 4am, nararamdaman ko na ung balakang ko sumasakit, di ko pa din pinansin kasi kya ko pa naman. Pero pag dating ng 6am, ayun na si labor, sunod sunod na siya. Pero di pa ko pumunta ng lying in kasi baka mamaya di pa mataas ung CM ko, so tiniis ko na lang muna kahit hinayupak sa sakit. Pero nung 9:30am nagpadala na ko sa hubby ko sa lying in kasi every 7min na contraction ko. Pag i.e sakin, 4cm na daw. Aadmit na daw ako. 2:30pm, 6cm na. Patindi ng patindi ung sakit. Buti na lang nung sinaksakan na ko ng pampahilab, madali nagdilate ang cervix ko. Ayoko ma-CS kaya tinatagan ko din loob ko. Buti na lang may kasama ako sa delivery room na manganganak na din. Lalo akong naging competitive. Hahaha dapat makayanan ko na din, at 4:25 baby out na! Kaso kinabahan pa din kmi kasi nakakain na siya ng pupu at kulay ube siya, di siya humihinga! Buti na lang magaling ang OB ko! Nung narinig ko na siya umiyak, parang nawala lahat ng sakit. Napaka worth it!! Kaya sa mga mamshies jan na malapit na, ttagan nio lang loob nio! Makikita nio na din mga LO nio. God bless po sa inyong lahat!!! ❀?

Success!!!
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

God is good. Congrats momsh. πŸ€—

5y ago

All the time! Thanks po. :)

Congrats momsh 😊

5y ago

Thanks po. :)