Umay

Nakakaumay na yun mga tanong na to: 1. May picture ng pt tatanong kung positive or negative. May instruction sa karton talaga e. Matutong magbasa. (naiintindihan ko yung iba kasi nga naman sobrang labo minsan ng 2nd line) 2. Picture ng tyan kung mababa na or mataas pa. Remember, may mga nanganganak na mataas pa ang tyan, meron naman ding mababa na tyan pero si baby mismo pala mataas pa. (ako mismo napakababa ng tyan ko pero yung baby ko pala mataas pa.) 3. Picture ng tyan tapos itatanong kung tama lang ba ang laki. Remember mommies, iba iba tayo ng katawan. Yung 3 months na laki sayo pwedeng pang 6 months ko na yun and vice versa. 4. Yung nagpipicture ng reseta okaya gamot tapos itatanong kung safe ba inumin kasi nireseta ng ob. Like hello? Magrereseta ba ob mo ng ikamamatay mo? Dito ka hihingi sa app ng payo sa gamot e anong malay namin dyan, kanya kanya tayo ng ob so kanya kanya rin tayo ng gamot. Haaays. Itong app na to we all know na this is to help each other lalo na mga ftm, pero naman may mga tanong talaga na hindi mo magets bat tinatanong pa.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Intindihin nalang sana natin sila mga mamsh kasi FTM sila, first time nila maranasan lahat ng to and as a mom gusto lang nila malaman kung safe ba yung baby sa tiyan nila madami silang katanungan dahil lagi silang nababagabag, tulad ng size ng tummy nila, syempre first time nila wala silang alam na kung maliit ang tiyan maliit din si baby ganon o di kaya ilang months na sila pero maliit parin tiyan nila nag aalala lang sila sa baby nila kaya nag si-seek sila ng help dito para mapanatag sila, pag may nag reply na sa pic nilang yun about sa laki ng tiyan nila na "normal lang ganyang laki or may maliliit talagang tiyan na mag buntis or sa 5-7months pa yan lalaki" edi mapapanatag na sila di na sila ma i stress, at about naman sa kung mababa na ba tiyan nila syempre pinoy tayo mapamahiin, na kapag mababa daw yung tiyan malapit na manganak, gusto lang naman nilang malaman mga mamsh yung opinyon natin dahil baka di pa nila kabuwanan e mababa na tiyan nila eh makaka seek sila satin ng advice kung ano gagawin like mag bed rest muna ganon para di ma premature labor, at yung iba naman na mataas pa tiyan pero kubuwanan na, nag papa advice sila kung ano gagawin based sa experience natin para bumaba na si baby, ginawa tong app na to mamsh para magtulungan at magramayan tayong mga mamshies, very useful nito lalo na sa FTM kaya sana wag natin sila i judge at intindihin nalang natin sila dahil minsan din nating maranasang maging FTM at maging ignorante sa mga bagay bagay na bago lang sating mangyari. Spread love mga mamsh and have a safe delivery and healty baby πŸ’š

Magbasa pa