Kumbulsyon

Nakakatakot. Sobrang nakakatakot. Isipin mo, sarili mong anak nakikita mong tumirik ang mata, manigas ang kamay at paa, mangitim ang labi at bumula ang bibig. Hindi ko pa din kayang matulog ng mahimbing kabit na alam kong okay na siya. Sobra ang trauma na nadulot sa akin nito. Kaya mga tAp Parents, kahit simpleng sipon, sinat at pag ngingipin lang yan huwag niyong ipagbahala. Kapag pumatak na ng 37.5 ang temperature ng mga LO's natin, agapan na hanggat maaga. Punasan na agad at painumin ng gamot. Huwag na kayong tumulad sa nagawa kong pagkakamali. Ako na nagsasabi, sobra sobra ang takot ang mangyayari. Habang buhay ko tong dadalhin. #1stimemom #firstbaby #theasianparentph #sorry

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy. Kamusta na po si baby? Hope okay na ang lahat. Salamat po sa advice niyo and God bless po sainyo. Pray po🙏

3y ago

Hi Mommy. Okay na okay na po si baby ngayon. 😊Salamat din po. God bless ❤❤

up