New Born Screening

Nakakastress mga mamsh, sino po dito may same experience na tatlong beses na kinuhaan ng blood sample si baby for NBS? dalawang beses siya kinuhaan sa lying in kung saan ako nanganak at ang sabi contaminated daw ung sample kaya direkta na kaming pinapunta sa NIH sa pedro gil at ngayon pinapabalik na naman kami for another sample na naman daw at walang sinabing dahilan bakit uulitin ulit. Nasa manila po ang NIH at sa rizal pa kami manggagaling, ang layo ng biyahe at ang mahal ng pamasahe. 12days palang since nanganak ako at ramdam ko parin ung sakit ng tahi ko, naawa rin ako kay baby dahil naeexpose siya everytime na magbabyahe kami. Ano po kaya ang dapat gawin?😰

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Diretso na kayo ng Hospital,dun mas malinaw sila mag-NBS plus may pedia pa. Magdala ka ng kasama mo,kahit kamag-anak or friend mo para may aalalay sayo kase baka mabinat ka.

2y ago

thank you po sa advice❤️

pwede kau magtanong sa pedia. may pedia na kumukuha ng blood sample sa baby then sila na bahala magpadala for testing.

2y ago

thank you sa info mi, try ko maghanap ng malapit saamin. nakakaawa narin kasi si baby ilang ulit na😰