Nakakapagod

Nakakapagod palang maging stay at home mom. Grabe. Nakaka ubos ng lakas. Pasensya. Araw araw pareparehas. Nayayamot na ako sa lahat lagi nalang ako naiinis sa partner ko. Nag kaka time ako na wala anak ko pag magluluto at maglilinis tapos back to pag aalaga. Nakakatulog naman ako pero bat ganto ung feeling ko gusto ko munang mawala. Nakakaguilty. Ewan ko. Mahal na mahal ko anak ko pero bakit nakakapagod. 😔 bash nyo lang ako. Ok lang. Gusto konlang mag labas ng sama ng loob kase wala naman akong mapag sasabihan. Minsan iiyak kanalang palihim kase ang bigat bigat na. Ayaw mo rin ma judge nakakatakot nang lumabas kase parang laging nakatingin sayo. Ni pedicure nd ko magawa. Nakakaligo nman ako pero kelangan mabilis lang. Ang pangit pangit ko na. Ang baba narin ng tingin ko sa sarili ko kase wala akong work. Hindi naman ako nag sisisi sa anak ko nag sisisi ako kase ganto naging buhay ko. Kung alam ko lang at pinaghandaang mabuti nd sguro ganto. #ventout

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay lang magvent momsh. Hindi naman kabawasan sa pagiging nanay kung gusto nating makahinga paminsan-minsan. Hindi naman nababawasan ang pagmamahal natin sa anak natin. In fact, mas kailangan mo ngang magrecharge para may energy ka pagdating sa needs ng baby mo. Sana makahanap ka ng time para sa sarili mo. Baka pwede mo ring kausapin partner mo at family mo para matulungan ka. Self-care at self-love ay super important sa ating mga nanay.

Magbasa pa

Hugsss Mi.. Your feelings are valid, wag mo isipin na may mali sayo. You’re doing your best for your baby. Normal mapagod at magduda sa kakayanan mo. Try mo mag online selling Mi para may iba ka gawin 😊 Hopefully your days will be better soon💜