Be compassionate

Nakakalungkot lang na may mga mommies dito na sinasabihan ng "tanga" or "walang common sense" yung ibang mommies na nagtatanong. This app was created to serve as a platform where mommies can support and give advice to one another. Toxic na sa Facebook, 'wag na sana natin gawing toxic din ang app na ito. Hindi naman kasi lahat ay experienced mommies at may easy access to OB. Sana maging safe zone ito para sa lahat. No judging and avoid using derogatory remarks. Wag na lang sagutin yung question kung para sa inyo ay nonsense. Kung OB lang ang makakasagot ng question, then you may ask the sender politely to consult an OB. No need to bash other people. We're all going through things. More compassion sana than hatred. Also, what you say about other people says so much more about you.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ignore nalang sana kung feeling nila kinulang sa common sense yung nag post. Wag na sabihan ng mga harsh words kc buntis Yun eh, sensitive masyado. Yung iba nag tatanong kc walang ibang makausap like walang nanay or in laws na pwd mag advise. Respect nalang