Feeling ko di ko deserve yung partner ko
Nakakalungkot kasi feeling ko di ko deserve ang tao na gaya ng partner ko. Ok naman sya when it comes to money pero di naman yun ang important sakin. Alam nyo yung axie? Alam nyo siguro na mejo nakakastress laruin yun kapag natatalo kaya sa tuwing nilalaro nya yun, gusto nya sa salas kasama nila kuya habang nag-ve-vape tapos tulog naman ako at si baby sa kwarto. 1 year old na si baby so malikot na sya matulog. Patuwad-tuwad, paikot ikot. Queen size higaan namin at walang fence. Sa gitna namin si baby kasi di rin yun sanay na di sya yakap ng papa nya. Ako naman sa gilid tabi ng pader so yung partner ko ang nasa side na pwede mahulog. Kagabi, lumabas na partner ko sa kwarto para maglaro kaso nalimutan nyang lagyan ng unan sa gilid si baby. Bagsak din ako kahit 8 pm palang kasi pagod sa byahe galing work. Nagising gising din naman ako para icheck si baby kaso syempre napahimbing na tulog ko. Nagising ako ng 12mn nung pumasok partner ko kasi nabigla sya na malapit na pala si baby sa edge ng kama. Ewan ko kung naramdaman nyo na yung guilt sa sarili bilang nanay as if di ka pwedeng matulog nang mahimbing para macheck si baby maya maya. Nakakainis lang kasi pwede naman yung partner ko maglaro sa loob ng kwarto para nababantayan nya si baby, kaso di nya ginagawa. Saka nung 1 month old pa noon si baby, naramdaman ko na rin noon yung ganung guilt kasi work from home tech support partner ko, e tanghali yun. 1 month palang after manganak so puyatan days kaya sinasabayan ko matulog si baby. Tinitingnan tingnan naman kami ng partner ko kapag wala syang kausap kaso yung saglit na oras na di sya nakatingin, tumabon pala sa mukha ni baby yung hood ng pranela dahil malikot sya. Buti na lang nagising ako kasi akala ko naiyak si baby, yun pala naiirita sya kasi may nakatakip sa mukha nya. Grabe kaba ko nun kasi pano kung di ako nagising agad, pano na si baby. Kaya after non, feeling ko parang kasalanan ko pang natutulog ako. Today naman, galing akong work. 5pm na ko naka-out. Pagdating ko ng SM North ng mga 6pm, haba na ng pila pa-SM Fairview or pa-Novaliches bayan. 7:12 na ko nakasakay sa uv pa-bayan. Grabe yung tagal ng pagtayo ko sa pila, naka-heels pa, gutom pa. Yung partner ko naman, off nya today. Pinabantay nya si baby sa pinsan nya kasi nagpa-practice sya ng motor kasi bagong bili nya. Umuwi lang sya ng 11 para kumain at patulugin si baby tapos balik na uli sya dun sa lugar ng tropa nya kung san sya nagpa-practice ng motor. 8pm na sya umuwi. Ako naman, 20% na lang phone ko nung makasakay ako ng uv. Ang bilis pa ma-lowbat. Nakatulog ako sa byahe. Maya maya, may ilang nagbabaan na pasahero. Di ko sure kung bayan na ba yun kasi di ko pa naman nakikita yung sogo dun saka yung savemore. Bale 1 year mahigit palang kasi ako dito sa Caloocan North kaya yun lang palatandaan ko. Di naman ako gala e kaya di ko pa rin kabisado ang bayan. Iba pa naman dinaanan ng uv, edi lalo na kong kinakabahan baka maligaw though may ilang pasahero pa naman. Maya maya pa, 4% na lang battery ko tapos nakita ko yung arko ng Brgy. Gulod. Di ko alam san yun so chinat ko partner ko. Ang tagal nya pa magseen. Nung magreply sya, di naman nya sinagot yung tanong ko kung san na ba yung brgy.gulod. Masaya pa syang nagkwento about sa bagong bili nyang motor. Nakakainis lang kasi 4% na lang battery ko tapos di pa nya sinasagot tanong ko. Yung isang pasahero dun, tinanong nya ko kung san ako bababa kasi napansin ata nyang di na ko mapakali. Edi sabi ko nga sa bayan. Sabi nya lagpas na raw yun. Pabalik na raw ng mrt yung uv. 2% na lang battery ko. Kinakabahan na ko kasi di ako pamilyar sa lugar na binabaan ko. Tinuruan lang ako ng kapwa pasahero na tumawid at sumakay ng jeep pabalik sa bayan. Sobrang naiinis na ko nun sa partner ko kasi di naman nakatulong plus yung takot ko na maligaw. Di ko na chineck phone ko para makatipid sa battery in case kailangan ko mag google maps or magbook ng grab. Ang ginawa pa ng partner ko, tawag nang tawag hanggang sa 1% na lang, di naman nakatulong. Saka sya magpapanic kung kelan halos di na ko makontak. Nung una kasi na nagtatanong ako, iba pa inuna nyang ikwento. Napakatanga lang nun para sakin kasi di nya inuna yung mas important na bagay. Fast forward, nakauwi na ko finally, almost 9 na. Nagbihis muna ko saka nag alcohol buong katawan. Balak ko e magpapahinga muna ko bago sana maligo at kumain. Si baby naman e tulog sa duyan. Siguro nagtaka yung partner ko bat di pa ko nalabas sa kwarto kaya pagpasok nya, nakita nyang nakahiga ako. Nagtanong sya bat di na muna ako kumain. Di ko sinasagot kasi nga badtrip ako sa kanya. Gusto ko lang sana magpahinga kahit sandali dahil ayoko naman mabigla yung katawan ko na iligo agad pagdating. Nairita siguro sya dahil di ako nasagot kaya nagtanong naman kung ipapasok nya na raw ba si baby kasi kanina pa raw ako hinihintay nun. Nahulaan nyo na ba yung boiling point ko? SANDALING ORAS LANG ANG KAILANGAN KO PARA IPAHINGA KATAWAN KO. HALOS ISANG ORAS DIN AKO NAKAPILA SA SAKAYAN NG UV. DI PA NGA AKO NAKAKALIGO AT KAIN, TAPOS IBIBIGAY NYA NA SAKIN SI BABY PORKE NAKAHIGA AKO. E ANG SARAP SARAP NAMAN NG TULOG NI BABY SA DUYAN. NAPAKA-WALANG CONSIDERATION. Dinala nya na si baby sa kwarto, e ayoko pa sana padedein kasi pagod pa ko, di pa ko nakakainom ng warm water. Umiyak tuloy si baby tapos sinisi nya pa ko kasi tinatanong daw ako kanina, di na lang daw ako sumagot ng direcho. ANG SARAP NYANG SABIHAN NA ANG BOBO NYA. KAILANGAN PA BANG SABIHIN YUN? DI NYA BA NAKIKITA NA PAGOD PA KO. So napilitan na ko magpadede. Tapos nagsasalita pa sya na papadedein ko rin pala, pinaiyak ko pa si baby. Naiiyak na ko sa inis ko sa kanya tapos sasabihin nya lang na gumagawa pa ko ng issue at ang drama ko raw. Umiiyak ako kasi bat ba ko napunta sa gantong tao. Napaka-walang consideration. Ayoko makasama to habang buhay dahil ako lang kawawa pag tagal pero ayoko naman lumaki si baby sa broken family. By the way, di pa kami kasal kaya naiisip ko talaga na sana makawala ako sa stress na to kaso nga lang anjan na si baby. Sa tuwing may ikinakagalit ako sa actions nya, tumatahimik lang ako. Di ko sya kinakausap kasi para sakin, matanda na sya. Di nya na kailangan pagsabihan pa. Maguguluhan sya bat bigla na lang akong di namamansin so feeling nya tinotoyo lang ako. Ganyan bukambibig nya, toyoin daw ako. Di nya nahahalata na dahil din sa actions nya kaya ako nagagalit.
♡