Hubby

Nakakaguilty na pag dating sa lip ko sobrang short tempered ko until last night I have realized na all this time ang babaw lang lahat ng pinagmulan ng away namin nuon pang preggers ako hanggang ngayon. What made me realize it? Yesterday first time ni baby bakunahan ng dalawa at the same time kaya madiwara talaga. Halos maghapon siya umiiyak parang mababaliw na ako di ko alam gagawin ko pagod na ako at nahihilo. Pagkauwi na pagkauwi niya kinuha niya sa'kin si baby kahit na siya rin pagod from work at byahe. Magdamag niya buhat si baby kasi kapag ibaba nagigising. Pinagpahinga niya lang ako. Kapag nagigising ako sa iyak ni baby pinapatulog niya ako ulit. Kaninang umaga di ko na namalayan pumasok na siya agad kahit wala halos pahinga. Wala akong narinig na reklamo o sumbat. Natauhan lang ako kanina hehehe madalas tinitake for granted ko siya. Di ko minsan naaappreciate yung nga sakripisyo niya para samin. Kaya I made a promise na hindi ko na siya aawayin at lalawakan ko na pang unawa ko sakanya. Let us appreciate lahat ng ginagawa ng nga hubby/lip/bf natin para sa pamilya natin/satin kasi napapagod din sila at may feelings din sila emotionally/psychologically. Sabi nga ng mama ko oo mahirap manganak at magbuntis pero mahirap din magtrabaho para mabuhay mo pamilya mo. :) God bless everyone mabuhay lahat ng working dads, thank you sa nga sacrifices niyo.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

agree! tsaka nagbabago talaga mga lalaki kapag may anak na. asawa ko dati hindi masyado tumutulong sa gawaing bahay kasi may helper kami. ngayon, pag humingi ng gatas yung bunso namin, siya talaga tumatayo para kumuha ng gatas. nakakatuwa lang din.