Breastfeeding Problem

Nakaka frustrate at nakaka empty sa pakiramdam mga momsh kapag ikaw na INA nya can't produce milk for your baby. I just gave birth last Wednesday to my baby boy. Nag unli latch naman ako sa lying in and at home. I just found out na kaya pala dun palang sa lying in from 1 AM - 5 AM. Yung bibig ni LO na sa nipple ko parin, parang wala siyang nakukuha. PA HELP NAMAN MGA MOMSH, NA PEPRESSURE NA PO AKO. NAKAKA STRESS. NA AAWA NA PO AKO KAY LO AT PARANG NAG SESELF PITY NA AKO. Thank you! 😔 #respectpost

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

wag mawalan ng pag asa mommy. I gave birth to my 3rd baby last Tuesday. Friday ng madaling araw ko napansin na may milk na ako. I almost give up na din kasi ang sakit everytime pinapa-latch ko sya kasi kinakagat nya, iniisip ko na baka gutom na si baby at galit kasi wla sya nakukuha , sabi ko pag wala pa talaga i'FM ko na sya. Kaya meron yan mommy, tyaga lang sa pagpapa-latch talaga.

Magbasa pa
Super Mum

hello mommy, check nyo po if tama ang latch ni LO. may mga mommies din po na matagal lumabas ang milk.. take malunggay capsules, drink lots of water. think of happy thoughts. nakakaaffect po sa milk supply ang stress. good luck on your breastfeeding journey and may you be blessed with enough milk supply for your baby. 💙❤

Magbasa pa
VIP Member

Tuloy mo lang unli latch. kain ka din ng masasabaw na foods. pati mga ma-shells like tulya tahong tapos lagyan mo ng malunggay. samahan mo na din ng breast massage at hot compress. Ganyan lang ginawa ko noon. Hanggang ngayon mag 1 yr old na si lo. Ebf pa din kami. wag mawalan ng pag asa 😊

VIP Member

mamsh i check nyo kong tama yung pag latch nya.Kapag po ng wiwi or poop sya that means may nakukuha po syang milk sayo.Huwag ka po magpaka stress mamshie be positive lang kaya mo yan. Kain ka lang po more on sabaw like malunggay at more water.continue lang unli latch mamsh.🤗☺

mommy continue lng po ng continue mg kakalaman din yan.. ganun talaga pag first timer.. tapos uminom ka ng maraming tubig then eat ka ng gulay na my sabaw.. sabaw sabaw mommy esp yung papaya at malunggay best siya sa pag produce lng milk sa breast ..

4y ago

Thank you mommy, nakaka empty lang sa self pag ganto.

Continue mo lang yan mommy akala kasi natin na wala pero meron yan unli latch ka lang kasi nag a adjust pa yung katawan natin. Inom ka ng maraming water mga sabaw sabaw with malunggay para dadami ang gatas mo and sabaw din ng tahong.

4y ago

No problem po

momshie akala mo lang po wala. ganun din po ako nung una e..lagi mo po isipin na meron kang naibibigay kay baby.tiwala lang po sa sarili. for comfort din po kaya lagi nakadede si baby hindi po dahil lang gutom sya lagi.

VIP Member

ganyan din ako mommy nung bagong panganak ako kala ko wala rin syang nakukuhan gatas sakin pero di ako nawalan ng pag asa pinadede ko parin sya hanggang sa may nasisipsip na sya ngayon sobrang lakas ng gatas ko

4y ago

Grabe yung pressure sa akin momsh, yung mother at mil ko feel nila ang galing ko na sa pagiging INA na dapat ay alam ko na ahead of time about breastfeeding.

VIP Member

Unlilatch lang mommy. Ganyan din ako nung una. I just gave birth last June and first time ko mag bf. Kahit naiyak si baby tina try ko pa din. Try din nyo din po i hand express ang breast.

mommy punasan mo ng bimpo yung breast mo yung kaya mo init na tubig pati nipples punas punasan mo tapos uminum ka tubig yung mainit init...yung dka mapa2so mommy,❤️