team september
Nakabili na kayo ng gagamitin ni baby? Ako kasi hindi pa ๐ Balak ko july pa.. May kaparehas ba ako dito. Ty
September here ๐ Namili na rin po ako ng mga gagamitin ni baby sa ospital incase kasi mahirap po kasi makipag siksikan sa mga bilihan. Nalabhan at naplantsa kona rin yung mga damit nya, puro pure white nakalagay na rin sa ospital bag nya. At kahapon ko lang nalaman na baby boy ang aking angel. So mamimili pa rin po ako ng iba nya pa pong damit ngayon alam ko na yung gender nya. ๐๐
Magbasa payung mga basic needs plng ni baby like baru baruan (nalabhan ko na din at nplantsa ) and nb diaper nakasale ksi si pampers nung nakaraan ang laki ng natipid ko hehhe โบ๏ธ pero ung mga crib higaan nya mga nxt month pa ms mgnda mag unti unti para hindi msyado mabigat lalo na dumaan tyo sa kagipitan dahil sa pandemic pray for safe delivery sa atin mga momsh sept 22 here โค๏ธ๐๐๐
Magbasa paTeam Sept here๐, after ko magpa gender ultrasound this June, ng unti unti na akong bumili ng gamit ng bb boy ko๐ถ.. Tru online pra d na hassle,, tas ung ibang baru baruan bigay ng friend ko.. Hopefully by 8 months ma complete ko na things needed ni bb, pra by 9 months ready na lahat๐ Edd: Sept 6
Nagsimula na kong mamili ng gamit. Yung mga other essentials like baby oil, lotion etc. Sa mismong kabuwanan ko na bibilihin. Yung nasa pic 2nd batch na ng nabili ko. Yung 1st batch kase nakatago hehe. Yung mga baru baruan and other newborn stuff. First born kase kaya excited ang lahat. ๐คฃ
Sept. 9 here ๐ Nag unti unti n ko mamili simula nung nalaman q gender nya.. ang hirap po ksi kumilos now.. halos lahat pa deliver nlng.. ky shoppee q lahat kinuha.. pro ung mga essentials like baby bath soap ang hirap ksi magtiwala online kaya baka aq mismo bbli next month.. ๐๐๐
September here . Ni isang gamit Wala talaga ..pero Alam na nmin gender .. March Lang ako huling nag Pa check tapos Wala Ng kasunod dahil sa Pandemic huhu .nkakainis ..npag usapan namin mag asawa next month nlng kami bibili Ng gamit .kaso parang dko na yata kaya maglakad nun .Kasi bigay na ni baby
Hi momsh I'm selling the clothes of my lo.complete po yun. You can visit my account name๐ para kunti nalang bilhin mo
September po ako nakasched for elective CS sis. Ngaun po nagoorder npo ako ng mga gamit online kc po mhrap na mabgla. Nlabhan ko na din ung iba at tinatgo muna. Ung drting pang kulang, pag nakuha ko na labahan at sbay2 paplantsahin pra po derecho hospital bag na.
Buti nalang at may pinsan at tita ako na kakapanganak lang din bingay nila yung pang newborn clothes kaya ang laking tipid para samin ng hubby bumili lang aq ng kulang na booties,pranella,cap,at lampin ayan nlng yung iba baka sa susunod nalang โบ๏ธ
Team September din Po kmi Ni baby nkabili na Po ako 5months pa lng bumili na ako Tru online seller lng kz mahirap lumabas my mga kulang pa nman ako pero ngaun July na ulit ako bibili duedate ko September 18
team september here! sa august pa ko bibili pagkakuha ng mat1. hirap kasi buhay ngayon di makapagtrabaho ang mga buntis, si husband naman no work pa rin hanggat walang transpo. kaya ang hirap.
1st week of march ako nagpasa. pero si company namin nag aasikaso nun eh. kaya sa kanila ako nagpasa. tapos marereceive ko mat1 ko before ako manganak which is month of august makukuha ko na sya.
Tiger but Caring Mom