Vaccination Experience

Naka received na po ba kayo ng Covid vaccines? Kumusta po ang experience ninyo after mabakunahan? How did you minimize the side effects po kung meron man? #TeamBakuNanay #ProudtobeABakuNanay #AllAboutBakuna #Bakuna #pleasehelp #advicepls #immunization #vaccine #vaccination #HealthierPhilippines #VaccinesWorkForAll

Vaccination Experience
19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes! I'm fully vaccinated na po. At first jab may slight headache ininuman ko na agad ng paracetamol para di na magtuloy pa and nawala agad the next day wala ng signs and symptoms. Pero nung 2nd jab bago ako mag vaccine normal BP ko then after vaccination ko tumaas ng sobra BP umabot ng 200+/180 na ang normal ko is 120/80 lang..Hindi po siya agad bumaba kaya nag waiver na lang ako na ok na ako kasi from Taguig to Malolos pa ako gagabihin kami at ayoko mag drive at abutan ng headache on the way home. then nung gabi may headache nga ako... the following day nag grabe lalo headache ko at body pain. nanghihina ako then nagsuka ako nung gabi... ika 3rd day still with headache sa morning tapos once na maka inom ako ng paracetamol after 2 hours pa effect kaya tagal mawala ng headache.. today 07.29.21 ika 12 days na after ng last dose ko nakaka experience pa ako ng headache sa morning at sakit ng batok na normal naman bp ko until now at parang may sore throat din po ako now... btw Pfizer po vaccine ko mga momshies and daddies 😅

Magbasa pa
3y ago

Mommy Christine you're welcome po. Pero don't worry Mommy iba iba naman effect sa katawan natin nagkataon lang siguro sa akin ang mga na experience ko... Btw, I might say na close to getting better pero not really 100% pa kasi wala naman na po ako body pain pero yeaterday grabe ang weak ng mga muscles ko lalo na sa braso... sure ako na di pagod kasi wala po ako schedule ng baking ng cakes ko totally reated pa ako now... Possible na side effects pa rin ng vaccine kaai yung husband ko po na nasa abroad same kami na Pfizer at same may similarity kami ng effects mas malala lang yung sa kanya kasi covid survivor po kasi siya.. baka naglalaban laban mga virus sa katawan niya kaya mas weak ang pakiramdam niya kesa sa akin. Basta po pag sched nyo na ng vaccine make sure na well rested po kayo para po kaya ng katawan nyo 😊

VIP Member

Hi Mommy Rochelle di po ako pregnant. Nasa abroad po si hubby hehehe ☺️. Pero nung bago kami i vaccine may orientation po na bawal ang covid vaccine sa mga buntis na nasa 1st trimester po. Di po sila pwede makatanggap ng vaccine na yun kasi delikado sa baby at sa nanay na rin.

Sa experience ko, mas may side effects yung 1st dose at mas masakit compare sa 2nd. Yung una sobrang inantok ako tsaka mabigat sa braso kahit igalaw galaw tsaka ang sakit ng ulo ko. Pero both hindi ako uminom ng paracetamol. Sa 2nd ko walang antok at minimal lang yung bigat ng braso.

3y ago

Buti naman mommy at nagsubside ang headache ninyo kahit walang gamot na tinake. Hopefully fully protected na talaga tayo after ng vaccination 💖

VIP Member

Wala pa ako, mommy. Pero si Hubby tapos na and so far wala naman syang major na side effects na naexperience pero pinag work rest muna sila ng one day after the vaccine. I am looking forward to recieving my shots soon. To a #HealthierPhilippines 💕

3y ago

Same here meme, pre listing pa lang since may supply na, waiting nlng magkaroon ng schedule and e contact 😉. Yes to Bakuna!

I am fully vaccinated...masakit at mjo mabigat lng sa braso...parang ung feeling din nung TT vac...masakit din sa side ng naturukan pag matulog...i just tolerate ung pain 😊 wala po sya sa sakit nung labor time 😆

3y ago

Haha, remember ko tuloy TT vaccine, yes mabigat nga yun sa braso and masakit din ang site😅

Katapos lang 1st dose kahapon 16 weeks preggy here.. Mejo mabigat sa braso pag gising ko kanina ang ginawa ko nag cold compress ako now ok na sya. Buti d ako nilagnat.. #pfizer #preggycovidvaccine

3y ago

Hopefully both kayo ni baby may protection na mommy 💖 yes, better to consult muna talaga sa OB para ma assess ng mabuti.

Done na ko kanina sa first doze ng Astrazeneca vaccine. So far, wla namn akong naramdaman na side effects. Kanina lg nung na inject na sakin sa braso mabigat pero nawala rin naman saglit

ok lang po.. naka1st dose palang po ako. masakit lang po yung pinagturukan pero wala namang side effect sakin.. mabigat lang sa braso.. sinovac po vaccine ko.. EBF din po si baby ko..

VIP Member

1st & 2nd dose sumakit braso at kasukasuan ko po at nilagnat din kinabukasan nawala naman lagnat ko at di na gaanong masakit katawan ko. Cold compress sa braso. 😊

VIP Member

tapos na sa covid vaccine- before vaccine nagtake ako ng paracetamol first tapos cold compress. wala naman ibang side effects maliban sa ngalay ng shoulder