5 weeks and 5 days po pero wala pong nakita sa tvs mga sis.. Pa help po

Naka ilang pregnnacy test na po ako sis at positive naman lumalabas kaya nag pa tvs ako... Pero wla pa pong nakita kahit na gestational sac po πŸ˜’πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™ at yung worry ko po kung early pregnancy po ito bakit po my nakikita pa na follicles sa ovaries ko po πŸ˜’πŸ™πŸ™πŸ™

5 weeks and 5 days po pero wala pong nakita sa tvs mga sis.. Pa help po
35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako 4th week ako nagpt tapos nagpacheck up agad ako ang advise talaga ng doctor wag muna mag tvs kasi baka wala pa daw makita sayang lang ang pang ultrasound kaya pinabalik pa ko ng mga pang 12 weeks

Sakin nagpa tvs din ako one month tyan ko wala din nakita bumalik ako after 2 months un meron na sya, binigyan ako ng vitamins nong unang tvs ko progesterone at folic acid. ngayon 29weeks preggy na ko😊

2y ago

sana ko rn sis πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™Congrats sis..

Hi! Sa akin 5 weeks may nakita na gestational sac pero depende naman daw po yan sa katawan natin. Early pregnancy pa kasi. Mga 7 to 8 weeks kita na yan with fetal heart rate. Praying for you.

2y ago

sana po sis πŸ™πŸ™πŸ™

ganyan din ako sis first baby ko ,. sobrang early ko magpa ultrasound wala silang makitang namuo . kaya hinayaan kulang . hanggang lumaki na tyan ko at pag 6months dyan na ako ulit nagpa ultrasound .

2y ago

Sana nga sis πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™salamat sis

TapFluencer

wala pa talaga usually at that age. ganyan din ako sa baby ko. then after 2 weeks bumalik kami, nakita na sya by that time. chillax ka. lang mamsh. wag magpa stress, kase maapektuhan si baby.

Pwedi po mag ask, magkano po kaya Ang gagastusin kapag nagpa transv ka or trans abdominal. depende po ba or sila po mag dedecide kung transv or trans abdominal salamat po

2y ago

kayo po ba mismo namili kung transv or abdominal po?

Wala po talaga makikita pa pag 5 weeks. the best time to have TVS is on 7th week onwards. diba sinabi sayo ng OB mo? just relax and wait for few more days. 😊

2y ago

Thank you sis.. hindi po sis e.. sana po sis ibigay na sa amin πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

Nung nagpa transV ako wala din nakita sakin E sinabi panga sakin ng ob don na baka daw mag sign ako ng miscarriage then mga 8 weeks meron na din hb si bby ko

2y ago

Pray kalang ng pray

Same po sakin sis, 5 weeks wala rin nakita. Ngayon 8 weeks na ako pa 9 week na. Meron na embryo, and my heartbeat na din. Too early pa ang 5 weeks siguro :)

2y ago

Sana nga po sis! πŸ™πŸ™πŸ™Salamat sis lumakas loob ko πŸ™πŸ™πŸ™

pray lng mommy..wag ka magpa stress kaya mo yan..basta kalma ka lng..makikita mo rin yan c bby..manalig ka lng mommy...like me pray lng ng pray ako..

2y ago

wellcome sisπŸ™πŸΌ

Related Articles