βœ•

44 Replies

VIP Member

Naka experience na po ako ng ganyan. Sabi ng asawa ko pusa lang daw so binalewala ko. Pero bandang madaling araw nagigising ko kasi parang hataw na hataw ang ingay sa bubong. Kinaumagahan po kinuwento ko sa mader at asawa ko. So, kinagabihan po pinagpray namin. Very Specific yung prayer namin mamsh, like "Amang banal naninirahan sa luklukan ng langit, batid niyo po nangyayari sa bawat isa amin. Isa na po jan ang napapadalas na kaluskus sa bubong, buong pagtitiwala kami na hindi niyo po hahayaan na may mangyari sa mga anak niyo na nananampalatay sa inyo... " ganyan na ganyan po ang prayers ko. Tapos kinagabihan nagutom po ako ginising ko asawa ko tapos meron na po ulit kaluskus ung mismong bangon namin. Sabi ng asawa ko, wag ka magalala nagpray tayo. Mas malakas at matibay pananamplataya ko na kasama natin ang guardian angel natin. Malakas po yan sinasabi ng asawa ko. Kami po talaga, ay hindi naniniwala sa mga ganun. Kaya po pag may nangyayari kakaiba ayaw po ng asawa ko na magconclude po agad. Pray po agad ginagawa namin. Mamsh, Prayer lang po ung masasabi ko sa inyo. Always invite your guardian angel to stay with us anywhere we go and whatever we do. Remember the story of David? A little boy against Goliath. Pero little david won the battle because he believes that he never walks alone.

VIP Member

ako po mula ng malaman ko na preggy ako, pinagawa agad ako ni loa nung pngontra, telang pula galing sa old na damit ko, pati pantali, tapos lalagay sa tela ung mga pang suob na bato, bawang kalamansi tawas na buo, asin. tapos tinahi ko yan. mula 5 weeks preggy ako suot ko yan sa tyan ko parang bigkis. tinatanggal ko lang pag ligo. nung sa gensan pa kami ng asawa ko, may platito ako, na may same thing as sa pangontra ko, asin bawang tawas mga pang suob na bato. nasa uluhan ko yon lagi. kasi may bisita dn ako lagi tapos suot ko lagi pantulog non pula or itim. dasal dn bago matulog alwaysss. tapos tagilid ako matulog lagi kaliwa. tapos kung makatihaya ako dhil ngawit na may unan nakatakip sa tyan ko. (minsan ginagaya ko lola ko pag may nararamdaman nag sasalita sya pabulong tapos dasal- lumayas ka di ka makakalapit sa akin, kasama ko ang panginoon ndi ka nya hahayaan mkalapit sa amin) gnyan po, kasi bisita ko mnsan sa bubong mnsan sa labas ng kwarto

TikTik :( 1. Traditional Filipino Way: Don't sleep alone! Ask someone to spread salt sa entrace ng house nyo before it gets dark. Lagay din kayo madaming salt sa roof. Close all windows and doors tightly before sleeping. Put garlic and salt by your windows. Puncture garlic para lalabas yung amoy. Put scissors or knife sa side table mo or under your bed. before going to sleep, try "scratching" the scissors or the knife sa wall mo to make noises. Takot kasi sila sa sharp objects. If may resources/acccess ka, bili kayo buntot page. Wear black before you sleep para di ka nya makita or at least cover your tummy with a black garment/cloth. Pag nag visit ulit, sigawan nyo sya. Murahin nyo. Threaten it by saying na kilala mo sya. Takot sila malaman identity nila. 2. Christian Way -Read Psalm 91 aloud before going to bed. ❀

VIP Member

Ginawa ko sis nagbuhos ako ng asin sa bintana nmin at pag may aapak na ganyan sa gabi sinisigawan ko. Sabi ko"Subukan mo lang pumasok dito, makikita mo hinahanap mo" at "Uy may bisita pala ako, pasok ka dto sa loob ng malaman mo hinahanap mo". Ganyan lagi ko sinasabi at effective naman. Lagi ako may bawang at asin na dala sa bulsa ko pagnalabas pa ako ng gabi para bumili ng pagkain. At lagi ako may kutsilyo sa ilalim ng higaan ko hehehe.

Ganyan din ako nung nalaman namin na buntis ako . may pumasok na pusa sa bahay namin mismong kwarto namin. Una nakita sya ng asawa ko inaamoy nya mga maruming damit namin tapos pangalawa pag punta nya gabi nakatayo lang sya pintuan namin kaya yun pinalo nila yung pusa. Sabi ng byanan ko mag lagay daw kami ng asin at bawang . Pero sa akin parang wala lang basta may pananalig ka sa diyos at manalangin lang po lagi. β˜ΊπŸ˜‡

Sabi sabi nila rito mag iiba ang kanioang anyo magiging pusa... At naniniwala po ako do kasi one time may pusa na naka pasok sa bahay ng aunte ko di po ordenary na pusa kasi ang laki tapus naka totok lang sayo yung pusa tapos nag sasakit na ang tyan ko pero nong tinapunan ko nang tinilas pumiglas lang ito at di uma.alis sa pwisto tapus nung umihi ako may nakita na akong dugo takot na ako nn

Samin sbi nila wg isaboy ang asin.. kuha kalang po ng baso or lalagyan tas lagay mo dun asin.. lagay mo sa bawat sulok ng bahay nio. Kapag dw nalusaw yung asin ibig sbhin my engkanto tlga.. magsabit ka din ng bawang sa bintana at pintuan nio.. tas pag nramdaman nio ulit muramurahin daw. natatakot dw cla pag minumura 😊😊.. ibang ways po magdasal lagi 😊

Nakaexperience din ako ng ganyan momsh ngayong buntis ako sa 3rd baby ko. Tapos yung sa panganay ko naman inaswang nung umuwi kami sa probinsya namin sa samar hehe kapag may narinig ka na kumaluskos sa bubong nyo, ipagpag mo ung waling tingting. Dapat palagi ka may katabi walis tingting tas ihampas hampas mo para marinig nila. Ayaw kasi ng mga aswang ng walis tingting. 😊

Gumawa ka mommy proteksyon sa tiyan mo, maliit na tila na color red, gawin mo syang parang pouch tas lagyan mo oling at garlic kunti lang, tas i pin mo siya sa damit mo sa parte ng tiyan mo. O di kaya lagyan mo asin at garlic bintana sa kwarto nyo. Ganyan din ako first trimester ko dinadalaw ako pag gabe o madaling araw, mga aso sa labas nan howl sa labas ng bahay namin.

Thank God wala akong naeexperienced na ganyan dahil mag isa lang ako sa kwarto tas yung kwarto namin may access sa terrace. Kaya lang start nung nabuntis ako may itim na pusa na laging nakatambay dito sa garage pero ngayon napansin kong wala na yung itim na pusa. Baka kako nakahanap na nangbibang pagtatambayan at makakainan πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles