Do you have a picture of your positive PT?

Naitago mo pa ba? Share your photos here. Sobrang tanda ko pa kung gaano kalaki ang smile ko nung time na yun.

Do you have a picture of your positive PT?
421 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

3x ako nagPT. Ung first 2 eh yung buy1 take 1 gamit ko. di talaga ako makapaniwala kaya nagpabili ako nung mas mahal😅... may bicornuate uterus kasi ako plus polycystic din kaya nahirapan talaga ako mabuntis. More than 5yrs na kami nagtatry without any contraceptives, nagpaconsult din ako sa fertility doctor pero wala padin. Irregular din dating ng menses ko kaya lagi ako nagpPT noon. NagpPT din ako regularly kasi madalas ako dalawin ng migraine, para alam ko if ok magtake ng gamot. or if may gala lalo na pag may kasamang adventure. Kaso dumating sa point na tinigil ko na din kasi ansakit mag expect lagi. PinagpasaDiyos nlng namin kasi nagawa na namin lahat ng kaya namin eh. Tapos this Feb, yung akala ko dadatnan lang ako yun pala positive na😍😁...Pinilit pa ako magPT ng mga kawork ko kasi nakapagtataka na ampili ko na daw sa pagkain tapos tulog din ako ng tulog 😅Ayun na nga! Dumating na samin first baby namin. In God's time talaga mga sis!😊

Magbasa pa
Post reply image