Pa rant mommies 😭

Naiinis ako sa MIL at LIP ko. Ang gusto nila, hayaan ko mag isa si LO sa kwarto para gumawa ng gawaing bahay. Si LO kaka-one year old lang at Breastfeed kaya sobrang clingy. Hindi ko naman sya pwedeng isama sa baba ng bahay dahil kusina na yon, like dirty kitchen talaga at walang space for a crib or kahit yung high chair nya. Palabas palang ako ny pinto, grabe na yung iyak ni baby. Alangang hayaan ko lang umiyak. Ang gawaing bahay andyan lant naman at hindi matatapos. Pwede ko namang gawin kapag andyan na si LIP. Prone sa accidents at SIDS pa ang ganitong age ng baby, kaya I'm just being careful at gusto kong focus ako kay baby. Pero para sa kanila, sa sobrang focus ko daw wala na kong ibang magawa. Is it a bad thing? Na se stress ako. Dagdag pa na si LIP kapag hihingan ng tulong minamasama. Na kesyo ginagawa ko daw ba syang alila? ang work nya hindi everyday, at umaabot lang madalas ng 5hrs at hindi naman kabigatan ang ginagawa. Ang hirap pang kasama sa bahay, buti sana kung masinop kaso hindi. Masama bang humingi ng tulong? Masama bang unahin ko yung anak ko? Kunsintidor pa si MIL, hayaan lang daw si LIP kung ayaw gumawa ny anak nya. Manahimik na lang daw at wag magalit kasi trabaho naman ng nanay ang gawaing bahay. ang hirap!!!! #pleasehelp #firstbaby #1stimemom #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang naman gumawa ng gawaing bahay as long as yung lip mo magbabantay muna pero yung iiwan mo yung bata nag mag isa lang sa kwarto? eh paano kung malaglag yun o kaya unexpected accidents sorry momsh ha pero may utak paba yang mil mo? buti sana kung siya mismo nag vovolunteer magbantay sa apo niya. And sa LIP mo momsh asawa ka niya hindi katulong responsibility niyo dalawa na gumawa ng gawaing bahay at mag alaga sa anak ninyo hindi puro ikaw lang aasahan niya. Hindi naman porket siya na nagtatrabaho eh at ikaw yung fulltime mom eh exempted na siya sa ganon.

Magbasa pa