Paglilihi at first trimisrter

Nahihirapan din ba kayo mag lihi mga mommy? Anong pinaglilihian nyo? #pregnancy #9weeks4dayspregnant

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

MEDYO TIPONG MORNING AND EVENING SICKNESS AKO TAPOS AYAW KO NG MGA PAGKAIN PURO ,FRENCH FRIES , SHAWARMA , TUYO NA DAING TAPOS MGA PRITONG ISDA LANG AKO NAGUGUTOM KAPAG NAKITA KONA MEDYO MATABA AT MAMANTIKA NASUSUKA AKO LIKE CHICKEN TAPOS KARNE NG BABOY😭😂

Wala akong naalala pinaglihian ko nung first trimester ko momsh! Kasi wala ako gustong kainin sa point na gusto ko na magpa confine dahil natakot na ako hehe pero hindi ako pinaconfine dahil nakakainom naman ako ng fluid 🤗

Second trimester nako nag lihi mga gusto ko buko,carbonara,siomai,putoseko,sopas,shawarma, yang mga yan nako pag naguuwi si Hubby ko napaka saya ng puso ko pati si baby napapasipa. 😅🤣

Ako mamsh hirap sa 1st tri. suka ko start Ng 8pm until 10pm na Yun. tapos malakas pangamoy madali matrigger pagsusuka ko. hirap din Ako kumain Kasi pag di nagustuhan, isusuka agad.

Masyado kasi maselan ang paglilihi ko wala akong exact na gusto kainin pero madalas ako magpabili ng shawarma at di ako nag sasawa first trimester din ako 🥰😊

Ako diko din alam. Lahat kinakain ko pero once na nasuka ako after ko kumain ng isang pagkain, ibig sabihin ayaw ni baby yun haha

TapFluencer

Medyo po. Pero hindi ko kinaya yung heartburn na gusto mong sumuka pero wala kang naisuka.

chocolate lg po at buko pie aken pinaglilihian.

VIP Member

opo anak ko pinaglihi ko sa chocolates

Ako po hindi ako naglilihi😊