Naguguluhan. Irregular

Naguguluhan po ako kung anong EDD ko. Irregular po ako at sanay na hindi nagkakaroon, kaya hindi ko po pinapansin. Nag-pt po ako February, positive. Nagpacheck up ako with ultrasound ng March 26, pinagalitan ako ng OB kasi malaki na daw ang baby ko at 7 months na siya, nalaman ko na din ang gender. Ang EDD ko po na sinabi niya June 3 (sabi niya pwede daw ako manganak ng May13-june3). Last week po nagpaultrasound ako ang nakalagay naman don ay 33 weeks pa lang siya at ang EDD ko ay June 28. Hindi ko na po matandaan kung kailan ako huling nagkaroon. Wala rin po ako masyadong symptoms na naramdaman. Pag iniisip ko, mga last week ng October po ako nakakaramdam ng pagkahilo, everyday. Hindi ko po pinansin kasi kakastart ko lang din po nun magwork as a call center agent, inisip ko na sa puyat lang yung hilo ko. #advicepls #1stimemom #pregnancy #pleasehelp

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi. I'm amaze sa mga ganitong kwento na hindi nila namalayan na pregnant sila 😁 Sundin niyo po yung First Ultrasound. Nagbabago-bago po talaga ang Estimated Due Date, dahil sa size ng baby. EDD ko nuon March 18, 2021, nanganak ako February 27, 2021

Magbasa pa
3y ago

first ultrasound, 7 months. yun na po susundin ko? Thanks po.