GD

Nagpatest ako ng OGTT and this is the result, what can you say mga momsh, too high po ba? Kung kelan ako nag control dun naman yata lalong tumaas. Sa sat pa kasi next check up ko.. ano kaya mangyayari nyan? Super worried na☹️ thanks sa makakapansin

GD
17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Medyo mataas rin po sugar ko dati pero nirefer ako ng OB ko sa dietitian. Share ko lang po mga pinagbawal sakin. -Iwasan nyo po ang fruits as snack. Skyflakes lang or 3 small pandesal. Yung maternal milk ko po is 2 kutsara lang pinapalagay nya sa akin instead of 4. -3 meals per day pa rin pero konting rice lang, lean meat rin ang more on vegetables. 1 cup of fruits after meal. -Avoid catsup, matatamis na dessert and pastries like cakes. As of now nasa boundary napo ang sugar ko. Iwas po sa matatamis momsh.

Magbasa pa

Gestational diabetes,parehas po tau mas mataas pa ung sa akin jan umabot ako 300 kaya nag insulin ako nung 26 weeks pa lng until now 36 weeks na, hindi kasi kinaya ng diet lang kaya required insulin, grabe sobrang mahal madali maubos ung insulin.pen kasi mataas dosage ko dagdag pa expenses para sa test strips ng glucometer, pero tiis lng para kay baby saka para rin maagapan magkaroon tau ng diabetes after delivery

Magbasa pa
5y ago

2x na lng po ko nag momonitor ng sugar,upon waking up saka 2 hours after dinner ,dpende po sa sabi ng dr. mo,

Hi mommy, yes matataas po ang results niyo. Aadvise kayo ng OB niyo ng mga bawal na kainin at mga need iwasan. At kung ano ang best na iintake mo. Possible ding resetahan ka ng gamot but we can't be too sure hanggat wala pa check up mo. Sana maagapan yan bago ka manganak. Pray po. Keep safe and God bless 🙏🏼

Magbasa pa

Mataas yan.no rice muna sa diet.kung di kaya 1/2 cup lng good for the whole day na. Tubig nlng po ang inumin wag na mgtake ng juice and wag na dagdagan ng sugar kung nagmimilk ka po. Isipin mo po para kay baby ang pagtitiis 😁

Momsh, curious lang anong mga food intake mo bat tumaas ng ganyan? Wala pa kasi akong ogtt, napapaisip ako if possible ring ganto kataas sakin since ang lala ko kumain. 🤦‍♀️😩

5y ago

Hindi ako matakaw kumain momsh, ung weight ko same pa din naman kahit nung di pa ko buntis. Kahit sa kanin di rin ako ma rice. Pero nung ecq laging may panghimagas sa bahay at mayat maya ako ng ffruits plus juice minsan kaya siguro tumaas ng ganyan..

Mataas po mommy.. Ako po nagkaron din gestational diabetes during pregnancy. Better consult endocrinologist to know how to manage yung blood sugar mo. Baka kaya pa maagapan

pashare naman ano pong ginawa nyong diet bakit lalong tumaas. kc on diet din ako bago magtest ng ogtt mataas kc result ko sa ogct

5y ago

momsh minsan kasi the more na nagpapagutom tayo may tendency din po tumaas glucose level natin.

Ung sakin PO mataas din po ung OGTT q..tas Pina ulit sakin Ng ob q after a week bumaba nman po ung results naging normal😊

5y ago

Nagdiet na po ba kayo before mag retest ng OGTT?

taas sis.. pagbbwasin ka ng food intake mo.. ako pinag diet at gamot..

VIP Member

super taas po lahat. contact your Ob immediately po