119 bpm as per 7 weeks.

Nagpacheck up ako last week with the result of transviginal ultrasound and found out na 119 bpm ang heart beat ni baby. sabi ng ob ko mababa daw yun, pero ang normal is 120 so isang points lang naman ang kulang. medyo nagworry ako mga mommy. 2nd baby ko to now and gusto ko healthy din siya. Praying for that. Anyone here na may same experience tulad sakin? and pwede ko ba malaman kung anong ginawa niyo about it. TYIA.#advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sana tinanong mo na po kay ob niyo kung ano dapat niyo po gawin about the baby's heartbeat, mommy... Sa case ko, binigyan ako ng pampakapit ni ob nung narinig niya via doppler na mahina heartbeat ni baby. So far, ok naman si baby ko. Nag preterm labor ako at 32 weeks. Awa ng diyos hindi natuloy. Lumabas siya at 37 weeks via ECS. Na-NICU siya dahil naubos na panubigan ko and nagka-pneumonia siya. Btw, 9 months na siya ngayon. 😊

Magbasa pa