hello po mga momsh

Nagpabili lng ako ng siopao sa husband ko nandito kami sa side ng parents ko then paguwi niya galit siya saken kasi binilihan niya lahat ng family ko tas sabi ko ako lng naman nagpapabili tas sabi niya ano ako pa ba may kasalanan? tas binato niya lng saken ung siopao😭 ##pleasehelp

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May comment dito na baka nahihiya si husband mo. Which is base on experience totoo yun, kasi 4 kami dito sa house ng in-laws ko. Nung pregnant ako at pandemic pa, mahilig ako magpadeliver ng mga nakikita ko online na gusto kong kainin. One time pumasok MIL ko, sabi niya samin na wag daw magpapakita sa isa kong in-law na bumibili ako, dahil may masasabi like kami-kami lang hindi sila sine-share-ran or nagsasarili etc. Kaya kapag may binili ako tapos hindi enough pera ko at hindi ko sila mabilhan, tinatago ko. Ganon din husband ko, tinatago niya kapag kami lang kaya niya bilhan ng food. Kasi yung in-law ko na yun madami talagang nasasabi, hindi lang din ako nasasaktan pag ganon pati husband ko nasasaktan siya kapag may naririnig siyang mga hindi maganda. Kaya intindihin mo na lang din si Husband mo at next time, gawan ng paraan para hindi maipit sa ganong situation. Pero kausapin mo rin siya na kapag may nafi-feel siya na uncomfortable kausapin ka muna at pagusapan bago ka pagbuntungan ng sama ng loob, para magkaunawaan kayo at di kayo mag away.

Magbasa pa

mdme din kami noon sa bahay pero pag bnibilhan ako ng asawa ko akin lang naiintndhan naman nila kaya ung byenan ko tinatanong ako kng ano gusto ko at bnblhan nalang kaming lahat pero pag sakto lang budget ng byenan ko ako nalang gang naun sa 4th na pagbubuntis ko kahit bedridden na byenan ko dahil na stroke pag nakukuha niya pension na bnbgyan ako ng pera para blhin ang pagkain ko mabait ang side ng asawa ko ultimo bayaw ko na sa lahat ng pagbubuntis ko xa nagdadala sa akin sa hospital ung asawa ko dmarating nakalabas na ung baby hehe kasi working siya...

Magbasa pa

maybe he's torn between nahihiya sa pamilya mo na ikaw lang binilhan at sila wala. Nakikistay kasi kayo sa pamilya mo kaya siguro para sa kanya nakakahiya na ikaw lang kakain pero sila wala baka may masabi sa kanya kaya binilhan lahat at the same time inantay na maging kayong dlawa lang para maabuhos ung frustration niya kasi napagastos siya. Better talked it out then next time labas nalang kayong dalawa. Walking as a form of bonding then pabili ka ng food kapag nagreklamo parin. Think twice.

Magbasa pa
2y ago

Totoo to. 4 kami dito sa house ng in-laws ko. Nung pregnant ako at pandemic pa, mahilig ako magpadeliver ng mga nakikita ko online na gusto kong kainin. One time pumasok MIL ko, sabi niya samin na wag daw magpapakita sa isa kong in-law na bumibili ako, dahil may masasabi like kami-kami lang hindi sila sine-share-ran or nagsasarili etc. Kaya kapag may binili ako tapos hindi enough pera ko at hindi ko sila mabilhan, tinatago ko. Ganon din husband ko, tinatago niya kapag kami lang kaya niya bilhan ng food. Kasi yung in-law ko na yun madami talagang nasasabi, hindi lang din ako nasasaktan pag ganon pati husband ko.

Kung ayaw nyang bilhan family mo, sana niyaya ka nalang nya lumabas. Or sinama ka lumabas, kaying dalawa bumili. Samin kasi dati nung nakikitira pa kami sa side ng fam ko. Lumalabas kami para walang inggitan. Wala lang din naman sa family ko yun. Tsaka maling mali ang ibato nya sayo ang siopao. Parang walang respeto. Kakaurat yan.

Magbasa pa

Sana po intindihin nalang nila tayo no lalo nasa ganitong stage tayo na buntis. Buti nalang yung asawa ko mahal ang pamilya ko and ganon din ako sa family nya. Ngayon ko lang narealize na apakaswerte ko pala sa kanya based sa mga sentiments nyo po mga mommies regarding husbands😢.

Baka kaya nya sinabi yun kasi baka ikaw ang may gusto na dyan kayo sa side mo momsh? At baka rin alam mo na, may mga tao kasing ganon na pag di mo nabigyan maraming sinasabi. Kaya siguro binilhan na lang lahat ni husband mo para walang masabi. Pero no no pa rin yung batohin ka ❌

Nyay mommy sure kana ba sakanya? dahil lang sa siopao magkakaganyan siya?Isa sa ayaw ko yung ganyan babatuhin ako lalo na pagkain, I know it's too early para sabihin kong ganto pero nakakatakot siya baka bigla ka nalang nya bugbugin 😔

Luh gg nman sya masyado mii,siguro sa isip niya nakakahiya na baka makita or isipin ng parents mo ikaw lang binilhan. Pero yung binato sayo yung siopao?? Grabe nman yun may sama ng loob ata sayo.

Sobrang hirap mag buntis tapos siopao lang nagagalit pa sya, tapos ibabato pa nya sayo? 🚩

TapFluencer

Bakit parang mas may pregnancy hormones pa sya sayo na buntis🤗 JuicekoLord 🤦‍♀️