Amniotic Fluid

Nagpa BPS ultrasound po ako nung monday, and then sabi po ng lab pumunta na ako agad sa midwife ko or OB . Pero ang sched pa ng balik ko dapat is saturday. Ngayon, pagpunta ko sa midwife ko ang sabi nila need ko daw na manganak ksi mababa daw ung amniotic fluid ko. 6cm lng daw, ang choice ko daw is magpa induce na sa OB and OB ung magpapaanak sakin or sa ospital ako manganak pero since taga Cavite ako sobrang aarte ng mga ospital dto. Kaya sa lying in lang ang gusto ko. Tapos sabi saken ng midwife ko, magpa 2nd opinion ako ng ultrasound pero this time OB Sono na. Edi ako naman syempre di ako mapakali kahit ang hirap maghanap ng Ob Sono na hindi by appointment naghanap ako. Then eto na nga kinabukasan nakahanap ako . Pag ultrasound sakin ang bait ng OB kasi nakikipag usap sya while inu ultrasound ako then nagtanong na ako about amniotic fluid. I asked her if okay lang ba ung amniotic fluid ko, sabi nya normal naman daw. Walng problema. Pero 5cm ung sukat . Wala din syang sinabi na bumalik sa midwife or anything para mag alala ako. Kasi normal nga . Edi umuwi na ako at bumalik sa midwife ko . Di ang expected ko is okay na wala ng problema . Btw i am 37 weeks preggy and turning 38. Tas nagulat ako na pinupush uli ng midwife ko na hindi normal ang panubigan ko. So na iE ako ule . 3 to 4cm daw nung 6pm . Then sinalpakan ako ng 2 Primrose para lumambot cervix and supposotory para daw makapoop ako baka daw bumaba si baby pag nag poop ako . Then umuwi ako para mag poop. And hinintay ko sumakit ng sobra ung puson ko or ung laboring na sana. Lakad ako ng lakad and exercise. Pero nawawala talga ung sakit, umuwi muna kame para magpahinga hanggang sa nakatulog ako nawala na naman ung contractions. Bumalik uli ako ng hapon and na IE na naman ako sabi naman is 5cm edi uwe ako ule , tas lkad lakad tas pag bumalik daw ako magdala na ako ng mga gamit. Edi since sabi nga 5cm edi ako lakad na naman . Motor , ebike exercise lahat na ginawa ko para bumaba si baby . Edi bumalik ako ng 9pm para magpa IE ule . Ibang midwife na naman. Pag IE saken 3cm lang daw para sa kanya 😭 Sabi ko ano yon sumara ? Nakailang salpak na saken ng primrose . At dahil sa sabi nila need ko ng manganak kaya ung pera na pinatabi ko nagalaw na namin . Hanggang sa paubos na kaka pa ultrasound at sa mga gamot 😭 Hindi ko na alam gagawin ko .

2 Replies

may 2 klaseng reading sa amniotic fluid. sa svp or pocket, ang normal ay 2-8cm. sa afi, ang 5cm ay borderline na kaya mababa na. ang safe ay 8-20. maaaring sinusunod ng midwife ang atleast 8. ganun din ang nagBPS dahil pinapapunta na kau agad sa OB or midwife. delikado kay baby kung mababa ang AF. kaya gusto lang ng midwife na safe ka lalo na si baby, kaya talagang sa OB pinapadiretso ng midwife kung tingin nila ay baka magkaproblema. anything na hindi normal, pinapadiretso talaga nila sa OB. from 6cm, naging 5cm na lang ang AFI nio. please read this for your reference. https://www.google.com/amp/s/sg.theasianparent.com/what-is-amniotic-fluid/amp kaya sa pinsan ko, midwife din dapat sia. kaso nung inultrasound, nakitang mababa na ang AF, pinadiretso na sia sa OB. naCS sia dahil konti na lang ang panubigan. nagkakaroon ng restriction ang baby. wala sa plano ang CS pero sinunod nila for baby's safety. nagkaroon ng effect sa skin ni baby. pero ok na ngaun ang baby.

same tayo mi . monday check up ko ob ung nag ie saken 5cm nako edi pinag ready nako kase anytime dw pwede nakong manganak antay nalang may active labor . myerkules bumalik ako ng ospital kase worried ako dahil 1 day na nakalipas di naman sumasakit tyan ko na ie ako ng midwife sa ospital bumalik dw ng 2cm kaya sobrang stress ako .

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles