PHILHEALTH PROBLEMA
Nagpa appointment ako sa Philhealth dahil maghulog ( For Maternity ) . Kailangan kong hulugan kase C-Section po ako hindi puweding i-normal delivery , malaki kase ang gagastusin kaya kailangan ko talaga . Pagdating ko sa Philhealth Office ( APRIL 17,2023 ). Ito ang kinumpute sa akin ng babae . Oo tama , From 2019 to 2023 ay tumutotal ng 14,000.00 plus . Kaya sabi ko bakit ang laki ?? Hindi naman daw kailangan biglain lahat pero kailangan hulugan hanggang sa kasalukuyan . Ang tanong ko naman ay puwedi ko bang hulugan itong kasalukuyan lang bilang ngayon hanggang isang taon ? " hindi puwedi kase magkakaroon ka ng penalty kapag inuuna mo itong 2023 " Pangalawa kong tanong , kung huhulugan ko itong 2019 to 2020 . Magagamit ko ba ito ma aaccommodate ko ba ang package ng pang C-Section ( 19,000.00 ) kung sa July pa ako manganganak . Ang sabi naman niya sa akin " Oo Ma'am basta hulugan mo lang ito hanggang sa manganak ka " Kaya ang ginawa ko hinulugan ko mula 2019 to 2020 . Pinanghawakan ko na lang ma aaccomodate ko ang isang taon kong hulog mula 2019 to 2020 . Ang labo nila kausap kase sila ang nagagalit , at naiinis kapag nagtatanong pa ako ng nagtatanong . May mga attitude sila mga nag aasssist . At may nag kuwento sa akin na kananay din na , hindi daw nila hinulugan ang mga year na hindi nila nahulugan . Ang ginawa niya ay itong recent na year . At ang sabi niya pa sa akin , hindi ko daw 'yun magagamit 'yung hulog ko kase pang bayad utang ko daw 'yun ng last na ako ay nag hulog ng philHealth for maternity rin . KAYA AKO NGAYON NANGANGAMBA AT NAGUGULUHAN 😭😭😭 Sino po dito mga mommies ang same case ko ?? Pa-share naman po ng thoughts ninyo . MARAMING SALAMAT PO
Preggers