Bawang para sa aswang. 😅
Naglalagay din po ba kayo ng bawang sa tyan nio mga mamsh? para iwas aswangin daw. hihi. wala namang mawawala kung maniniwala tayo basta maging safe lng si baby.💕 #5mnths preggy. #pregnancy


Hindi talaga ako naniniwala sa aswang aswang pero nung naglagay bigla ang nanay ko ng bawang sa bintana ng kwarto ko dun ako bigla kinabahan at natakot 😂 may nakasabit na bawang dito sa higaan ko tsaka may bawang din sa bintana ko kaya amoy bawang itong kwarto ko. May time din kasi na sobrang init ng pakiramdam ko lalo na yung tiyan ko iba yung init at hindi ako mapakali sa higa ko, sabi ng nanay ko baka daw inaaswang ako nun. Kaya pumayag na rin ako magpalagay ng bawang dito sa kwarto ko. Mag isa lang kasi ako natutulog dito sa kwarto ko e. Hindi na din ako nalabas ng bahah natatakot ako baka maamoy ako ng aswang.
Magbasa pa


