โœ•

82 Replies

dati nung nsa probinsya ako nagbuntis s panganay ko, may lagay akong bala na hindi pumutok lagi s bewang ko na nkabalot s telang pula, tapos one time dumalaw kaibigan ko s bahay kaso ginabi na siya ng uwi mga 11:30 na ng gabi at dahil mejo looban yung bhay namin, hinatid ko siya s labas ksama ng kapatid maya maya pagbalik ko s bahay sinalybong na kami ng tita ko na may hawak ng buntot ng pagi tapos pinapamadali niya kami maglakad habang winawasiwas ang buntot ng pagi at pinapalo s lupa pagpasok namin bhay tinanong ko tita ko bkit ganun ginagawa niya since, lumaki tlga ako s manila at hindi ako naniniwala s mga aswang aswang na yan, sabi niya paglabas ko daw kasi may "ik ik" DAW na dumaan, tapos naririnig daw niya yung prang nagpupunit ng kumot palakas daw ng plakas yung tunog kaya sinundo na niya kami ng kapatid ko. ang creepy ng pagkakakwento niya, pero wala nmn ako narinig hehe.. pero thankful prin ako at safe ako kung "TOTOO" man yun..

hi, im 29weeks preggy ! ok lang naman po ,maski naman d ako bntis sa mga diko nakkta naglalagay talaga ko ng asin at bawang . for me! dmo naman masasabi kasi halo halo na mga tao. dmo naman pwede ttigan sa mata kng nakabaliktad ka if ever na my ttitig o ttingin sa tyan mo. para lang dn panatag ka. bnigyan dn ako nyan ng pinsn ko. tas bmli kami ng buntot pagi and yung sinasabit sa damit na red na gaya sa pang usog para naman sa preggy daw, my mabibigat din na laging tmatalon sa bubong namin madalas mejo nakakatakot and dnko ko makatlog sa madaling araw nagigisng ako sa knila. snasabi pusa lanh daw pero natatakot kami n mama ๐Ÿ˜… my mga tao dn na ttngn sa tyan ko pag nasa labas ako. tnititigan kodin sila mejo werd pero para nalang dn mapanatag ka. safety nyo din ng baby .

me too, lalo na kung nalabas ng bahay..meron din kami nilagay sa bintana at pintuan..mabango daw kasi sa mga aswang ang buntis kahit nasa malayo pa lang..di natin alam nasa syudad na din pala ang mga aswang na dati eh sa probinsya lang ๐Ÿ˜…..ung asawa ko hindi naniniwala sa mga ganyan kz laking syudad sya eh ako kz laking probinsya at naniniwala talaga ako sa ganyan kz naexperience ko mismo makarinig at mismong mama ko nakaexperience din..meron din tinuro ung mama ko na maglagay daw ng walis tingting na nakabaliktad sa may pintuan hindi daw makakapasok ung aswang na nagpapangap..wala naman masama kung sumunod tayo sa mga pamahiin as long as makasigurong safe tayong mga buntis..

Hindi talaga ako naniniwala sa aswang aswang pero nung naglagay bigla ang nanay ko ng bawang sa bintana ng kwarto ko dun ako bigla kinabahan at natakot ๐Ÿ˜‚ may nakasabit na bawang dito sa higaan ko tsaka may bawang din sa bintana ko kaya amoy bawang itong kwarto ko. May time din kasi na sobrang init ng pakiramdam ko lalo na yung tiyan ko iba yung init at hindi ako mapakali sa higa ko, sabi ng nanay ko baka daw inaaswang ako nun. Kaya pumayag na rin ako magpalagay ng bawang dito sa kwarto ko. Mag isa lang kasi ako natutulog dito sa kwarto ko e. Hindi na din ako nalabas ng bahah natatakot ako baka maamoy ako ng aswang.

opo inaamoy nga daw po pag ganon na hindi mapalagay lalo na sa gabi lang po nag kakaganon

May ganyan kami narinig ng boyfriend ko dati sa bubong namin ata dumapo yung malaking ibon kasi dinig mo iba ung lakas ng pagaspas ng pakpak nya alam mong malaking ibon. Same rythym for more than 15mins kaya grabe takot ko kasi Nasa attic kami non tas sira ung isang bintana..Feeling ko hahatakin nalang nya paa namin. (di pa ko buntis nyan kaya duwag pa pero nung nagbuntis ako lahat na ata ng magic pangontra naDIY ko na.Pero pinakaconsistent ko black shirt every night,red na tela na may laman,saka gunting sa gilid ng unan and of course prayers po.

nung 1st trimester q hndi aq nag ttabi Ng mga panguntra hanggang sa nag 6months tiyan q isang Gabi nkaramdam aq ng kkaiba at Mai narinig aq sa likod bhay nmin sobrang takot q kc kmi lng Ng panganay q sa kuwarto asawa q stay in kya chinat q kpatd q kht mgka tabi lng kuwarto nmin. kso tulog n buti nalng ung bintana Mai harang n bakal at screen kya medyo kampanti aq. kya kinabukasan nag lagay aq ng bawang sa bintana at Asin kinalat q tpos ung holy water tinabi q sa higaan tpos ung bintana sinarado qna kht naiinitan aq.

When i was 3months preggy, ranas ko panu maaswang. dumating sa point na nag 50/50 na ang buhay ko. Kaya lahat ng pangontra suot ko, Kaso sabi nung mang gagamot ko kaya natikman kami dahil bagong aswang lang daw un which is sobrang takam daw nun sa laman at dugo. Ket ako di ako makapaniwala na mararanasan ko un. Pero salamat dun sa mang gagamot at gumaling at natapos na ung aswang moment na un. Grabe ung pinag daanan ko.

panu po?? kau inaswang?? scary!

Ako never naniniwala dyan pero nung mga 8 weeks pa lang ako ang ingay ng bubong namin at talagang sa pwesto ko pa kung san ako banda kaya natakot yung partner ko kase mapano ako at sabi nya may nakita raw talaga sya sa bubong namin nung sinilip nya kaya ang ginawa nila pinagkumot ako ng kulay pula at yung bawang naman nilagay ko sa may paanan ko then since nun nawala na yung ingay sa bubong namin

hehe same mamsh. pati higaan ko may bawang sa bawat sulok pati bintana. pag matutulog ako nagtatabi ako ng bible tapos bawang asin luya. kase napapansin namin para kong inaaswang grabe kaluskos sa bubong tuwing 3am. kaya naglagay na din kame ng suha sa bintana, pintuan, cr. para secured. ๐Ÿฅบ walang masama kong maniwala tayo, basta sa safety ng bata gagawin natin lahat ๐Ÿฅฐโค๏ธ

Para sakin, okay lng ang may bawang lalo na't probinsya kasi hinde talaga maiiwasan ang dalawin ka, tulad sakin may bawang ako tapus naka black ako ng damit gabiยฒ para hinde makita yung tyan ko, kasi nung time na may dumalaw sakin mga 2am kala namin wla lng, kaso nakita sa kapit bahay namin sa itaas ng bubong namin kasi pumunta sya sa cr nila, kaya okay lng na may bawang

Trending na Tanong

Related Articles