malaking kasalanan ??
Nagkasala po ako di ko Alam gagawin ?? Nagtakr ako nung cytotec po Ang sakit sobra ng tiyan ko Hindi ko na Kaya Yung sakit niya ???? ayaw ko nanituloy pero Ang sakit sakit na ng tiyan ko parang malalaglag na ?? Help po 16yrsold Lang po ano?????
Nabuntis ako ng 15y/o takot akong pagtsismisan kasi malaki expection sakin ng mga tao mataas ang tingin nila sakin at unica Hija ako ng mga magulang ko at Panganay pa. Maraming tsismosa at mapanghusga sa paligid pero nagtiwala ako kay Lord kasi kaya kong tiisin ang tsisimis kesa habang buhay kong titiisin yung konsensya ko. Ang tsismis lilipas din yan. Oo sobrang nadisappoint magulang ko at nagalit sa boyfriend ko kasi child abuse yun kung tutuusin pero pinatunayan namin na kaya namin na karapat dapat ang boyfriend ko matagal bago kami pinatawad at tinanggap ng both side namin kasi parehas kaming panganay at estudyante ng boyfriend ko. Ngayon mag 6y/o na ang panganay namin at this dec magiging dalawa na anak namin ang sarap sa pakiramdam na tanggap kami ng bothside at excited na sila sa 2nd baby namin. Lahat ng bagay it takes time di mo pwedeng madaliin na patawarin ka ng mga tao sa paligid mo o mga nasaktan mo. Lahat ng sugat naghihilom may peklat man na bakas ng kahapon pero ang importante gagaling yung sugat na natamo. ☺☺ always mong ilalagay sa center ng puso at buhay nyo si Lord at tutulungan ka nya at never magtanong kung bakit ganyan bakit ganito kasi lahat ng bagay na binibigay nyang pagsubok may dahilan. Kaya mo yan sis. Mas bata pa ako kung tutuusin nung nabuntis ako pero nandito pa rin ako masaya kahit may mga bagay na pinagdadaanang problema. ☺☺☺ Kasalanan ang iyong nagawa pero isurrender mo lahat kay God lahat lahat iconfess mo gagaan pakiramdam mo at tutulungan ka pa nya. Hayaan mo ang mga taong mapanghusga tao ka lang din nagkakamali pero pwede itama ang mali di pa huli ang lahat. Basta tiwala lang kay Lord.
Magbasa paSana naman wag nating husgahan, mali talaga ang ginawa nya pero mukhang nagsisisi na siya at gusto nya ng ituloy ang pagbubuntis. Hindi sa lahat ng situations ay nagagawa natin ang strong decisions, minsan rin kelangan munang magkamali to understand and realise the worth of the baby/the child. Who are we to think otherwise? Hindi rin tama na mas idown nyo pa dahil babae at ina rin tayo, we are looking after the baby but just because hindi sya perpekto sa choices nya, and just because you were all so strong na hindi nyo ginawa ang kanyang mga ginawa doesnt mean you should tell her na mamamatay na rin. I know its hard to be kind to something that you dont understand but i understand the depression that this girl is going through. I hope she prayed very hard na naging ok ang baby nya pag labas, nothing is impossible with repentance, positivity and most of all, God. Let us not look down on things that we do not understand. She had a moment of weakness, but im sure she is wiser and kinder to herself and her baby now.
Magbasa paMas maigi na umamin kana sa parents mo, nandyan na yan kaya i-embrace mo na. Sabihin mong nagtake ka nung gamot para ma-guide ka nila at madala ka sa hospital. For sure, tatanungin ka nila(doctor and nurses) kung bat may extreme abdominal pain ka, magsabi ka nalang ng totoo para ma-assess ka nila nang maayos. Alam ko kasama talaga sa mga effects ng pampalaglag yan, extreme abdominal pain tapos excessive bleeding. Pwede mong ikamatay yan. Gusto mo ba yun? And next time, be careful. If ayaw mo pa maging mommy pero alam mong ginagawa nyong mag sex, mag condom kamo si bf mo. Let your bf be responsible as well. Sabihin mo sa kanya lahat. Kailangan nyong harapin yan ngayon. Hopefully, masalba pa si baby at i-clear ni God yung mind mo para di kana makapag isip ng ganyan. Be extra responsible! Hindi pa end of the world kapag nagka anak ka, okay? Pero magiging end mo na yan kapag kinamatay mo yang pagte-take mo ng ganyang gamot.
Magbasa paKailangan nya po nang gabay, bata pa po kasi alam naman natin na masama talaga ginawa nya kaso bata e di pa marunong mag isip kung anong dapat gagawin deserve nya lahat na mga isinumbat nyo peru ang gusto nya po ata malaman is anong dapat gawin jan. Haaaays 🤦♀️ depress nato e wag nyo nalang dagdagan baka makakasama lalo sa kanya. Bhe di sa pinapanigan kita kasi sa pag basa ko nang post mo nagalit ako bat mo nagawa yan puro sarap lang ba gusto mo? Peru pag meron na di mo kayang panindigan peru nong naisip ko na ambata mo pa at sa ganyang edad immature ka pa e sunod sunoran kumbaga baka nadala lang sya kasi sinabihan nang bf nya dibah? Dahil sa takot or what tignan nalang natin yung ibang side di sa isang side. Better bigyan sya nang advice kung anong dapat nya gawin nangyari na e peru di talaga tama ginawa mo bhe kasuklam.suklam pinag isipan sana bago kayu pumasok sa ganyang bagay
Magbasa paDi rason yung pagiging bata sis. May utak naman siguro para gamitin. In the age of 16 yrs old nakipag chukchakan na, gawain pa ba ng bata Yun? Tsk. Dapat lang sa kanya yan.
Sorry ha pero nagagalit talaga ako sayo, ako nga kahit 18 ako mabuntis ok lang sa akin, alam mo gustong gusto ko ng magkaanak 18 yrs old plang ako maasarap kasi sa feeling na sabay mo sya paglaki, ang dami2 gustong magka baby, pero nalalaglag sa kanila sa akin naman na ectopic, swerte2 mo nabiyayaan ka nyan, kaya kapag nailigtas man si baby alagaan mo cya. Kailangan mo pumunta ng hospital para magamot kana nila. Kasi baka matagal ka ng uminom ng gamot at matagal na cgurong patay ang baby mo ang cramps nana raramdaman mo is i think yung patay na dugo nagpaikot2 sa matres mo, delikado ka kapag ganyan naging sitwasyon mo ngayon kaya dapat kanang pumunta ng hospital, Sana ok lang yung baby at ikaw, kung magbunga mn susunod, panindigan mo na mahirap yan ang kutya at ibang sinsabi ng tao pero di mo alam ang saya na dulot nyan kapag nailuwal at nasubaybayan cya
Magbasa paMommy pa check kana po agad, baka mailigtas pa baby mo. Ako nga din inisip ko po ipalaglag noon, may cytotec na, mag take na lang kulang pero diko tinuloy ta nakokonsensya ako. Iniisip ko kasi sasabihin ng iba sakin, at yung disappointment ng family ko sakin kasi nag aaral palang ako. Pero nanaig parin yung pagiging ina ko. Sabi ko sa sarili ko hindi ako magiging masamang ina ng dahil lang sa mga taong may makitid ang pag iisip. At kung ano man yung mga naging kasalanan ko na nagawa ko, alam ko mas mabigat parin yung magiging kasalanan ko kapag itinuloy kong ipalaglag. Blessing yan ading ko. Maraming nangangarap na maging ina, pero hanggang ngayon wala pa. Kaya napakaswerte mo kasi dumating siya. Ipagdasal mo nalang na sana hindi siya mawawala at walang masamang epekto sa kanya yang pag inom mo ng cytotec if ever man na mabuhay siya. God bless 😇
Magbasa paAlam mo gusto kita murahin , pero mukhang natanggap mo na rin naman yun sa dami ng comment. Nakakagalit ka at the same time naaawa ako sayo. Alam mo ba ilang babae ang gustong2 magkaanak pero di sila mabigyan ng chance. Pero ikaw anjan na, nauna nga lang and unplanned pero nasayo na. Buhay na bata. Nagawa mo pa yan. 1st, you were only 16 pero nakipag chukchakan ka na . Yes mostly of teens nag cocommit ng ganyan. But they dont face the consequence after. Pumapatay sila ngbisang anghel. 2nd, anjan na yan. Kasalanan na nga nagawa mong desisyon noon. Dinagdagan mo pa. 3rd, inisip mo ba na kung ikaw kaya yun tas ginawa ng nanay mo yan sayo. Ano kaya mararamdaman at maiisip mo. 4th, kaya pa ba ng konsensya mo? 5th, nakakatulog ka pa ba sa ginawa mo? Goodluck sayo!
Magbasa paNaawa ako sayo. Kulang ka sa gabay. Hindi ko alam kung kailan pa 2ng post na 2. Pero sana ok ka. Sana nasalba din si baby mo. Siguro mag sisilbing aral sa iyo 2. Na hindi lang basta basta ganon ang buhay. Magging pilat sa pagkatao mo 2 na dadalhin mo habang buhay. Sana maging mas matalino ka sa mga ssunod na araw. Mag set ka ng priorities sa buhay mo. Bata ka pa.. enjoyin mo muna ang buhay. Mag aral ka, mag work ka, mag partying ka at mag travel ka. Masarap gawin yan mga yan habang single ka. Madami ka ma memeet na tao na makakatulong sayo mag grow. Pag nag asawa or nag anak ka sa murang edad na ganyan... marami ka hindi mararanasan. Sana hindi mo na ulitin yan pagkakamali mo na yan. Bata ka pa.. hindi ka pa patapon. kaya mo pa bumawi sa buhay ❤
Magbasa paAy gnon ba.. as in now lang cya nag take ng gamot.. don't wori mamsh.. tyak mag tatanda na cya at sana d na umulit. Nasulsulan siguro ng mga barkada pati n dn bf nya.. juzko.. sa 16yrs old.. san nman nya natutunan gumamit ng gamot n yun 😢
maybe nakuha nya yan sa mga clinic na nagpapa abort may nakita akong ganyan sa FB pinopost pa ang convo nila ng customer..sad to say, baby ang nadadamay..nakakalungkot lang isipin na madaming magasawa ang gustong gusto magkaanak pero hindi nabibiyayaan na magkaanak or maselan magbuntis tapos may mga taong ang bilis ipaabort ang baby nila..sana mapatawad pa ni God ang mga ganyang klaseng tao.. kay ate girl, pagpray mo na malakas kapit ng baby mo kz may mga nabasa ako na if nagtake ng cytotec meron mga baby ni hindi agad2 nalalaglag kaya if ever na kumapit ng husto ang baby mo sayo ituloy mo na yan kasi blessing ang mga baby sa buhay ng isang babae. pacheck up ka agad sa OB. Humingi ka ng tawad sa anak mo at lalong lalo na sa kay God..
Magbasa paDi kita majjudge. 24 years old na ako when I found out na pregnant ako with my first baby. Gustong panindigan ni boyfriend pero natatakot ako. Inisip ko ding ipalaglag pero diko tinuloy kasi natatakot ako. My job na ako and full support naman si boyfriend pero natakot padin ako. How much more sayo. You should have let the world judge you kasi mas greater dapat yung love mo kay baby more than anything else. Advice ko nalang, magpa check up kana. Baka sakaling masave pa si baby. Hopefully okay sya. But for your health, kelangan mo pumunta ng ER. next time, pag isipan mo ng madaming madaming beses bago ka gumawa ng mga bagay na di mo kayang panindigan. Kasi kung ayaw talaga ni baby, sya kusang bibitaw. Good luck!
Magbasa paSame situation tayo sis. 24 yrs old when I get pregnant at kakapanganak ko lang nung July 1. Full support din si bf pero natatakot ako sa magiging reaksyon ng magulang ko although nasa legal age at may stable job . Inisip ko din ipalaglag pero mas natakot ako sa pwedeng ibalik sakin ng Diyos kapag ginawa ko yun. Ngayon, sobrang worth it at saya nung nakita ko na si baby 😊