Mabubuntis po bako?

Nagdo kami ni hubby last saturday tapos di ako nakainom ng pills ko which is exluton every 10pm ko kasi iniinom yun sabi ni mama inumin ko raw agad pag uwi kaya 6am ininom ko agad kinabukasan tapos yung isa 10pm same day sila. Mula kasi nagpills ako every other week ako nagkakaroon hinintay ko naman so ayun nung sunday ng gabi nagkaroon ako hanggang ngayon pero kasi hindi siya katulad before yung mens ko ngayon wala pa sa kalahati ng pads ko ang kaunti lang talaga niya mula sunday tapos wednesday na ngayon kaunti pa din samantala dati napupuno talaga pads ko. Sobrang sakit pa ng puson ko nung monday ni hindi naman sumasakut to kapag nagkakaroon ako every other week. Kinakabahan ako sa totoo lang kasi kakapanganak ko lang nung august. May ideya po ba kayo sa mga nagpills po? Mabubuntia po kaya ako ulit? Please no hate, respect my post po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tama naman po yung paghabol nyo ng pills, normal reaction po talaga yan ng katawan pag nagpipills since hormones ang pills, disrupted ang cycle mo oati amount ng blood na nasheshed, ganyan po talaga. not all the time ay smooth sailing ang regla, kahit po sa mga di nagpipills nakakaexperience nyan. May months na marami ang dugo pero maiksi, at may times na sakto ang dugo pero medyo mahaba.. I think better na samahan nyo rin po ng condom yung pills mo para sure. kasi minsan may mga tendencies na pumapalya pag pills labg lalo kung makalimutan uminom. Kung worried pa rin better na punta ka po sa OB mo para macheck ka nya at maexplain nya nga maayos sayo.

Magbasa pa

di ka mabubuntis if tama pag inom mo ng pills. maybe yan ang effect pag mali ang pag inom mo.. try mo nalang mag pt.