7 Replies

Hello mommy! Sa experience ko po sobrang na praning ako nung nalaman ko na may SCH ako. Mas lalo lang nakaka praning pag mag google or mag youtube about SCH. Duphaston din tinake ko for 2 months. Bed rest no sex. Sundin nyo nalang po kung ano advice ni ob nyo. Ako po kasi matigas ulo pero wala po nangyari masama sakin. Hanggang sa 2nd trimester nagpalit po ako ob, di sya nag focus masyado dun sa SCH. Nawala nalang din po sya nung 3rd tri na ako

thank you mommy.. lahat naman po ng advice ni ob ginagawa ko po ask ko lang po diba total bedrest po.. pano po yung pagligo and pag wiwi and pag popo niyo po?

Hello po. Base on my case po SCH din po ako on my 1st trimester, plus mababa po matres ko plus nasa placenta previa pa po ako kaya buong pregnancy ko naka bedrest ako. Ingatan mo lang po palagi sarili mo, pray ka po palagi. 8 months na kami ni baby ngayon at thanks God maayus naman sya. Hoping na maging normal delivery pero kung cs talaga ok lang basta safe kami ni baby. 😊

mommy thank you sa sagot mo.. nabuhayan ako ng pagasa.. lagi ko iniiyakan si baby ko at kinakausap na wag niya ko bibitawan kasi hindi ko talaga kakayanin.. lagi ako nag ppray na ingatan kami ng baby ko po.. at on time din inom ko ng meds bed rest hanggang maaari pero natayo pa rin ako pag nawiwi at maliligo

hindi nman delikado ang SCH as long na bed rest ka muna at inom ka lng ng pampakapit bawal muna gawin ang mga gawaing bahay,.tpos bawal din ang sex muna

as in bawal po ba talagang tumayo pano pag naligo?

sa akin magkaiba din sa trans v at LMP May 8 sa tran v pero sa LMP april 10 pero nanganak ako april 11..awa ni Lord ok naman po baby ko

kaya nga po di ko alam ano susundin ko.. advance ng 2weeks ang LMP ko compare sa TVU

hello po gnyan din po ako sa mens ko at sa ultrasound ko po..basta lumalaki po si baby normal lng daw po un..

ultrasound po ..ung sinunod atleast lmalaki nmn po si baby kaya wala po problema..pag manganganak pwede maaga ng 2 wks or late ng 2wks po..

VIP Member

TVS sinusunod namin kasi di accurate yung sa LMP ko. irregular kasi menstruation ko

tvs pa rin susundin ata sis. kasi nung nagpaCAS ako nag iba din due date, ganon naman daw paiba iba. pero sabi ng OB ko either magplus or minus 1-2 weeks sa due date yung panganganak.

VIP Member

sabi ng ibang oby, mas accurate po ang unang tvs na may heartbeat na si baby.

thank you sis❤️

Trending na Tanong

Related Articles