5 Replies
Kung ikaw ay nagpapa dede, may tinatawag na LAM or LACTATIONAL AMENORRHEA METHOD. in Tagalog: Lactational - pagpapa dede Amenorrhea - wala regla * dahil sa breastfeeding, kinakansel nya ang pag release ng egg galing sa ovary, ang tawag dyan Ovulation. *Breastfeeding ---> No Ovulation --> No menstruation Kaya wala kayo menstruation kapag nag breastfeed kayo. Kapag nagka menstruation kayo meaning bumabalik na fertility nyo so pwede na kayo mabuntis. Tanong: Kelan po babalik ang mens, bakit ung kapitbahay ko may mens kagad nag breastfeed naman. Sagot: Depende sa katawan ng babae kung kelan babalik ang menstruation nya. Minsan depende kung gaano katagal na sya nagpapa dede. So iba iba, wala kopyahan kasi. Medyo nakakatakot diba kasi nauna ang Ovulation before menstruation, kaya pwede mabuntis kahit wala pa ung menstruation. Nag ovulate na sya then sakto unprotected contact, HULI KA ITLOG ayon nayare buntis. May 3 requirements para sa LAM 1. Hindi pa bumalik ang menstrual bleeding ni Mommy. 2. Kelangan na less than 6 months si baby. 3. Fully breastfeeding or nearly fully breastfeeding * fully breastfeeding - exclusive ( breast milk only) or almost exclusive ( with vitamins and some liquids) * nearly fully breastfeeding - breast milk + some food but majority breast milk pa rin. So kapag pasok ka sa 3 requirements na yan, pwede mo gamitin ang LAM up to 6 months of birth. Kelan pwede simulan: Anytime How effective ang LAM? 2 out 100, pwede mabuntis if typical use and less than 1 pregnancy out of 100 if perfect use. So kung natatakot ka na baka nag ovulate ka na pala while breastfeeding, pwede ka na mag back-up contraception. For Breastfeeding, ang pwede is ung PROGESTIN ONLY, either pills or injectable or implant or IUD. If established na ang milk supply pwede na mag combination pills. Kapag PILLS, anytime pwede na start. Kapag injectable, at 6 weeks postpartum pa ( anytime after birth if not breastfeeding) Mag PREGNANCY TEST MUNA before mag start ng PILLS or Injectable. Kelangan ba hintayin ang menstruation? HINDI, kasi nga diba pwede na wala ka pang menstrual bleeding kasi nagpapa dede ka. Pano pag take? One pill everyday, same time of the day. Tuloy tuloy lang, pag ubos isa pack, next pack na. Hindi ito naka depende if may bleeding ka or wala. Pano pag inject? every 3 months. Or every month if combination na. POSSIBLE SIDE EFFECTS OF PILLS & INJECTABLE: Irregular Bleeding or No bleeding, weight gain, mood changes, headache, dizzinesss, bloatedness, loss of bone density ( injectable), beast tenderness, nausea. BRANDS: DAPHNE, EXLUTON, CERAZETTE #FAMILYPLANING ctto: my OB: Dra Bev Ferrer 😊
may mens ako while pure breastfeed sa baby ko then February di ako niregla march ako umuwe ng probinsya at nagkita kami ng asawa ko napag kamalan pa nga ako na bka may nakagalaw sakin pero sabi ng doctor uti daw o baka pcos syempre praning ako kya nag second opinion ako at un sabi lactation amenorrhea 6months daw un pero baby ko is 7months na at nitong march niregla nako kasi nag kakain na ung baby ko ng mga foods di na sya matagal sakin dumede pero sabi doctor kadaklan nangyayare ang lactation amenorrhea within 6months si baby at pure breastfeed pero pwede nangyare sakin ng 7months na si baby o nag aadjust palang kumaen chaka malakas maka delayed mens ang stress
yes po like saakin now 1month delay sa march so worried,and now april meron na .pag stress daw ganyan din daw nangyayari
yes. turning 8mos na bb ko wala pa rin akong mens
yes po.