paano po Kaya palawakin ang pasensya mabilis magalit at napapalo ko anak kong 3 years old naawa ako
naawa na ako sa knya kasi ambiliss ko Magalit at nasisigawan ko din sya #Toodlerjourney#toodlermom

hinga ka muna ng malalim mii and isipin mo ang liit pa nong anak mo pero nasasaktan mo na physically. kasi napapalo ko din yong akin po 2 yrs old pa lang, kasi subrang likot talaga din and nakaka ubos ng pasensya. napapalo pero hindi naman nagtatanda kaya tinigil ko na. everytime na nauubos na pasensya ko, humihinga muna ako ng malalim din sabay titig sa bata iniisip ko na lng na kung akong mismong nanay hindi kayang habaan pasensya sa anak ko what more kaya kung ang ibang tao.
Magbasa paHi Mommy. Minsan talaga nabubunton natin sa mga anak natin kung anuman nararamdaman natin. Kapag ganon po na pagod tayo, mainit ulo, mag relax po muna tayo bago tayo humarap sa mga toddler natin. Kapag alam mo na na nag-iiba na naman mood mo, excuse ka muna sa anak mo. Kausapin mo na lang sya kapag ok ka na po. Kasi may effect po sa bata yong laging ginagalitan at nasisigawan. 3 years old pa lang po yan. Kaya mo po yan Mommy.
Magbasa pasame mi 🥺