5 MONTHS PREGNANT

NA EXPERIENCE NIYO RIN BATO Jan 1 nag simula ako makarinig ng mga nag lalakad sa labas ng kwarto, binalewala ko yun kase hinde naman ako yung taong na niniwala sa mga multo lalo na aswang alas 3 yun Jan 6 alas 3 rin narinig ako ng nag sasalita na bata 2x tapos tumawa sa dulo yung sounds niya lahat sa part ng bahay as in nag eeco eco pa!! Kinaumagahan sinabihan ng pinsan ko kay mama na may naririnig siyang tumatakbo takbo call center kase siya night shift work from home dun nako kinalibutan Kahapon nag lagay nako ng mga asin sa bintana sa hallway sa lahat ng parte ng bahay ngayon, kaninang 3 nagising ako sa ingay na may nag scrascratch sa bintana (sa bintana kase ako natutulog ) nahuhulog mga asin!! Tas may naramdaman akong basa sa tiyan ko syempre tumalon ako sa gulat, kasama ko ate ko sa kwarto bale nasa sahig siya buti nga diko naapakan eh Nagising ate ko sabi niya "uy bat ka pawis na pawis anong nakita mo bat ka tumalon" syempre nag taka ako kase naka aircon kame dikit pako sa aircon nun, ngayon sababa nalang rin ako humiga kasama ng ate ko matutulog nasana ate ko nung narinig niya nanaman na may nag scrascratch sa bintana at grabe mga asin nahuhulog as in nawawala na siya nag panic nako kase first time ko na encounter yun Tumakbo kame sa room ng parents ko pero sinilip lang ng daddy ang kwarto at sinabing baka ibon lang yun Wala kameng magawa kundi tiisin, kaninang 5rin nagising ako dahil pinapalo ako ni ate naka balot yung kumot sa muka niya dun niya narin natangal yung kumot!!! Sabi niya kanina pa siya sigaw ng sigaw Galit na galit siya eh wala naman akong narinig☹️☹️☹️ bat ganun guys ngayon kolang naranasan to!!! Hinde naman ako na niniwala sa mga ganyan eh GULONG GULO NAKO

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pasalamat padin po kayo kay Papa GOD kasi okay po kayo, kasi po ako nakaranas din ako nan sa first baby ko😔 Nakita ko po mismo sa bubung ng kapatid ng asawa ko yung engkanto!😥 tapos dun sa taas kame ng bahay nila natotolog and lumang bahay na yun kaya subrang nakakatakot😓 and as in yung binta nila yung sinaunang bintana din. kaya natatakot ako subra then nag punta kame sa albolaryo and ang lumabas sa tawas ay may engkanto at dalwang malaking ibon ang nakaaswang sakin😭😭 Then nung nalaman namin yun nakunan na pala ako😭 and subrang sakit nun kasi first baby namin yun☹️. Kaya yung sa ganan sis telang pula na may asin , nagigising din ako nun ng 3am kaya hirap ako nun😭 Pero okay na kame ngayun naka move on na din😇 Im 8 weeks pregnant now😇❤️❤️ And nandito na kame sa mother ko nakatira and palagi namin dinadasal na sana samin nato and bed rest lg sis para hindi mastress❤️ Pray lg tayo kay GOD🙏❤️😍

Magbasa pa
VIP Member

Yes po nararansan ko din po yan momshie. Ngayun. Dati nung hindi pa ko buntis. Wla nmn akong nararamdamn sa kwarto nmin o sa bubong. Ngayun dun na kmi na tutulog sa taas. Kasama mga magulmg ng asawa ko. Sa lapag kmi natutulog. Kasi ayoko na mtulog sa kwarto kpag gbi. May naririnig kasi kong may nag sitsit sakin 2x. Tas minsan yung bubong parng may kumakaloskos. Sabi ng byanan ko bka dahon lng dw. Eh di pa nman abot yung dahon mgpuno sa taas. Ang baba. Pa. Nag try ulit kmi matulog sa kwarto ka gbi. Tas kagabi nag pa music ako. Pra dinko marinig. Nkarinig nmn dw yung asawa ko ng parang my naglalakad sa labas ng bintana. Tas prng may gumagalabog sa my kusina. Malpit kasi kwarto nmin sa kusina. Kya ayun di nmn ako matulog ng maayos. Ilang gabi na po ko d mka tulog ng maayus. Tas yung mga aso nmin pati sa kapit bhay nag iingay.

Magbasa pa

Mygod 😲 Diko na tinuloy yung pag babasa ko kasi subrang matatakutin ko talaga ngayon sumasakit agad yung puson ko🥺, pero anyway nakaramdam din ako ng ganyan, Nung 5-6 months ako nasa 3rd floor po kasi kwarto naming mag asawa then hilig ko nun tumambay sa 2nd floor kasi nag momovie marathon ako mag isa 😅. Habang busy sa ML asawa ko, Tas gusto kopa isang ilaw lang nakabukas which is dun lang sa kusina. Then maya maya may mahahagilap yung mata kona tumatakbong bata sa hagdan😭 mygod! Nung una diko talaga pinapansin yun pero bigla bigla nalang kasing lumalakas yung sipa ng baby ko tas nananakit pa puson ko agad. Kaya Mula nun natatakot nakong mag isa lagi 😭. Pray kalang momsh

Magbasa pa

Ako po naransan ko dn 19week and 6 days preggy po ako now, monday ng 11:30-2am my panay kaluskos sa bubong sabi ko sa asawa ko ano yun wala yan baka nakalampag bubong baka ksi uulan Pero iba pakiramdam ko hanggang 2am meron p dn, sabi ng kapt bahay nmin na bata 9yrs old mommy my ibon sa bubong nila oh itim Sabi ng mommy nya anak bantayan naten , Nakwento nila saken nung umaga pg punta nila dto sa bahay sabi ko naramdaman ko yun gising po kasi ako nun, Tapos kinabukasan wala nko narinig kasi nag lagay ako rosario na my basbas at naka black tshirt po ako my naka sabit na tela laman nung tela asin at bawang po parang anting anting ginawa ko :) Ingat po tayo lagi pray lang :)

Magbasa pa

Hello po, naka experience po ako nung mga scratches sa bobong ng bahay, then usually talaga nakakagising ako mga alas 3 ng umaga. Bili po kayo ng tela na itim itakip so sa bintana po then dapat may asin ka sa mga bintana mo at sa pintuan... samahan mo na rin po ng bawang importante yun then make sure po may rosary ka ur crusifix sa tabi mo matulog... before sleeping po make sure nakapagdasal ka para di bangungunitin and wear something black na covered ang tyan mo. Wag ka tumihaya po matulog dapat po nka tagilid sa left side para then po okay ang pag tulog ko... God bless sa pregnancy po. May God cover you and your baby with His protection.

Magbasa pa

Sis advice ko sayo na maglagay ka ng walis tingting na nakabaliktad ang pagkakatayo sa may bintana at yung tyan mo palagi mo kukumutan ng pulang damit o tela then kumuha ka ng kapirasong tela lagyan mo ng asin at bigas saka mo tahiin at ilagay sa damit palagi wag mo ihihiwalay sayo san ka man magpunta. Then after magsabit ka ng Asin at hiniwang kalamansi sa harap ng pinto ng kwarto at bintana tapos wag kang tumitihaya kapag matutulog palagi ka lang tagilid then ikaw sa gilid ka palagi matulog at yung ate mo sa harap mo at palagi mo kukumutan tyan mo inaaswang ka sis.

Magbasa pa

aswang yata yan sis..ina aswang din ako pinalibutan ko ng bawang yong bintana..pero nanjan parin bumabalik balik.naririnig ko din mga kaluskos sa bubong..naririnig ko rin yong boses ng aswang.. pero nalalaman ko pag anjan kasi tahol ng tahol yong mga aso namin na nakastandby sa mga bintana ng kwarto .. Pag nanjan di nako natutulog kaya puyat ako lage..Tapos pinapagalitan ko yong aswang.. May martilyo ako lage sa tabi..hehe..Sinasabi ko popokin ko ulo niya pag lalapit sya..Binabantayan nya na makatulog ako e di naman ako nakaka tulog..

Magbasa pa

Ganyan din ako momms pag dating ng 6 pm ng hapon grabi ang skit ng tiyan hanggang madaling araw indi ako makatulog kht 9weeks plang tiyan ko sbi ko sa mama ko indi ko mka tulog dhil prang naaaswang ako sbi ni mama mag pausok daw ng insenso kamangyan bgo mag 6 pm tpos mag lagay ng buong wlis tingting sa tabi ng pinto tpos kuha ka ng 3pcs na tingting lagay s binta ginawa ko un nkatulog ako ng ayos araw araw gingawa ko sya tma mama ko gawin mo din sis wla nman masama

Magbasa pa

Nung preggy ako meron lagi sa bubong nag lalakad nakaka takot talaga un pero sa may bintana naman ako natutulog may aso din sa bawat palihid bg bahay namin madami aso dine e natahol sila pag meron something pero one time yung kapit bahay namin may nakita nakatayo daw sa puno ng langka namin tas that time nag wawala na mga aso namin pero wala nmaan tao nung lumabas ang papa sobrang takot talaga ko nung buntis ako

Magbasa pa

Hi mommy, I'm currently 30 weeks preggy now. Nakaranas ako ng mga ganyan pero sa panaginip ko po. Minsan binabangungot pa ako, nagtatabi lang po ako ng Bible tsaka rosary everytime matutulog ako and buti ka nga po may kasama ka, Ako lage lang mag isa kase work si Daddy. Always pray lang po mommy, May mga nagbubuntis daw po talaga na nakaranas ng ganyan at depende po ata yan sa Lugar nyo. Sana po nakatulong 😊

Magbasa pa