Too much Salt intake

Hi Mummies, pa-help naman. First time mum here, tho aware naman ako na dapat lessen salt intake talaga kasi hindi healthy sa baby. Pero di ko mapigil, parang feeling ko sa maaalat ako naglilihi 🥲 any recos naman po, kung anong pwedeng alternative na snack ang iconsume ko na healthy kay baby. Wala parin kasi akong gana kumain. 8 weeks preggy here. Thanks! 😊#1stimemom #pleasehelp #advicepls #firstbaby

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

According po sa ob ko, mas malaki ang chance na magka UTI kapag nagpipigil ng ihi kesa kumakain ng maalat na pagkain, kasi kapag nagpipigil ng ihi, hindi lumalabas yung bacteria and nag sstay lang sa loob at naiipon. Diba po kapag nagpapa urinalysis, bacteria ang nakikita kapag may UTI. Kahit kumain ka ng maalat pero inom ka ng inom ng tubig at di nagpipigil, di po kayo magkaka UTI.

Magbasa pa

Me po, mahilig na talaga ako sa Maalat. Pati kanin ko, nilalagyan ko nyan. Kahit nabuntis na po ako. Kaya pinapagalitan ako lagi😅 then nung 4 Months ako pina Lab Test ako ng Dr. ko. Expect ko na baka may UTI ako kasi mahilig ako sa Maalat. Pero wala💙 Sobrang Lakas ko kasi sa Water💙 Inom lang po kayo lagi Water. Madaming Water💙 8 Months na po ako now☺️

Magbasa pa

same mga momshe mas mhirap pa ung Akon ksi alergy pa 8 weeks preggy PNG second baby na. bwal maalat kse my UTI pro pra Ang sarap Kumain nang mga ma aalat. ano Kya pwde Ng Gawin Hindi nmn Ako gnito date sa onganay ko mg 14 years old na sya.

Same po, 16weeks pregnant ako and mataas din uti ko pero ang kini crave ko e more on salty tsaka sweet foods, ginagawa ko nalang pag di ko talaga mapigilan kumain ng maalat e dinadamihan ko nalang inom ng tubig.

more on tubig nlang at mag buko juice ka. wag mo deprive sarili mo pero kontrol padin. mahalaga nakakain ka ng gusto mo kase si baby my gusto nan. more on prutas at gulay. ingat momsh

Same mommy bawal ako sa maalat ksi mataas inpeksyon ko sa ihi 😭 pero sa maalat ako nagke-crave kaya tiiss talaga ako para kay baby 💕‼️

More water nalang po mommy if ever na nag intake ka ng salty foods.. Lessen mo din ang juices and carbonated drinks

tanong lang po natural lang po ba yung pagsipa ng bata ng sunod sunod? salamat po sa sasagot

VIP Member

Damihan mo nalang po water intake niyo kung di mo na po matigil ang salty.

same here! hehe pinipigilan ko minsan then if hindi kaya dadamihan ko ng tubig hehe