Normal ba ang mahilo ng sobra di na makahiga dahil umiikot paningin at nagsusuka? #9Weeks4daysPreggy

Mula gabi ng 9pm super hilo na ko kaya tinulog ko pagka gcng ko ng 12am bigla na ko hirap maka bangon dahil naikot paningin ko at nasusuka na ko. Kada nahihilo ako nagsusuka ako lahat ng food and water intake ko sinusuka ko agad. Until now 5pm na. Ano kaya dapat kong gawin? #9weeks4dayspregnant

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako mommy, 2 beses ako nagpunta ng ospital kasi gusto ko na nun magpa-admit that time kasi wala na kong kinakaen pero suka ako ng suka at sobrang hilong hilo. Halos iyakan ko na na yung OB Doctor para lang i-swero ako kasi parang hindi ko na kaya nung time na yun, pero pinagalitan lang ako. Sabi niya saken normal lang naman daw yun dahil nasa lihi stage ako, yun nga lang maselan ako, pero nagbigay pa rin siya saken ng antibiotic na iinumin ko in case na magsuka ako ng more than 10 times. Kumaen po kayo ng lugaw mommy yung lutong bahay wag niyo po lagyan ng asin. Then umiwas po kayo sa mga pagkaen na mamantika, sobrang init, malalansa at maduduming pagkaen like mga street foods. Tapos more water pa-unti unti every 30 mins wag niyo po biglain yung pag-inom and sa pagkaen unti unti din po, wag po muna kayo mag full meal. Tiyagain niyo lang po mommy para kay baby malalampasan niyo din po yan mommy like me. Nakatulong din po ang gaviscon kahit papano na nireseta saken ng doctor. Pray lahn po tayo mommy then kausapin mo din lagi si baby na kumapit lahn siya ❤️ stay strong mommy.. Virtual hugs 🤗

Magbasa pa
VIP Member

Hi Mommy ! Normal lang yan Morning Sickness tawag diyan ,reresetahan kayo ni OB ng mga vitamins. Try to read this😊 https://sg.theasianparent.com/relief-from-pregnancy-nausea?premium_content=true&bottomOpenInAppBtn_content=true&tap_source=firebase-bottomOpenInAppBtn-fallback_sg

VIP Member

mas maganda po iconsult nyo sa OB niyo..normal lang po kasi may konting hilo dahil sa nagkakagulong hormones ngayon during 1st trimester..pero kung sobra..need mo pa sabihin sa OB mo para mas maituro niya sayo tamang management..

VIP Member

consult ka po sa ob mo para maresetahan ka ng vitamins para kahit papano may source pa rin kayo ng nutrients ni baby. normal lang po morning sickness sa buntis tiyagaan lang malalagpasan mo din yan