Ubo at sipon sa buntis

Hello momshii, normal lang po ba ang pagkakaroon ng ubo at sipon sa 16 weeks na buntis? Kadalasan sa gabi Halos napupuyat kasi ako kakaubo tas tuwing uubo po ako may lumalabas na konting tubig sa pwerta ko tapos naisusuka ko lahat ng kinain ko. May same case po ba ako dto? Ano po ang ginawa nyo? Thanks in advance po

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung wiwi niyo lang naman po yung nailalabas niyo bawat bahing niyo,ok lang po yun. Pero kung panubigan niyo po yan,aba'y mag pacheck up po kayo baka magrupture amniotic fluid niyo. Nangyare na po yan saken,inignore ko kaya nag preterm labor ako after lumipas yung ilang araw na d ko pinapansin yung paonti onting tubig na lumalabas saken.

Magbasa pa

iconsult mo sa ob mo mhie anong gamot pwede mo inumin. ako po recently lang grabe ubo at sipon, niresetahan ako antibiotic ng ob. tapos water therapy lang ako at umiinom din ng isang kutsara ng honey with calamansi. awa ng Diyos nawala rin after a week.

2y ago

twice po. morning at evening

Ako po nag ka ubo at sipon ako nagpacheck up ako agad kay ob binigyan nia ako gamot for 7 days ngaun feeling good na po ako