#Rashesni baby

Hello Momshies!Ask lang po sana kung ano gamot po nito kase lage nlang umiiyak babay ku..sa may neck po talaga siya nagka rashes.. medyo mataba narin kase sya..malaka po kase dumede.

#Rashesni baby
166 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagkatapos ni baby dumede punasan ko rin pati yung leeg sis minsan kase di natin namamalayan merong milk na napunta sa leeg nila then nag cacause ng redness or rashes. Pwede rin kayong bumili ng calmoseptine sa botika mawawala po agad yan.

ngkagnyan din baby ko ng newborn,ang case pla tumutulo ang gatas niya pgnadede siya hindi nmin napinsan dun nlang noong mkita n pti leeg s likod meron nrin,bka sa pgpapadede yan momsh lagyan lng bib pero kung breastfeed consult nyo sa Doctor .

VIP Member

calmoseptine dati nilagay ko sa leeg ng baby ko mamsh minsan ko lng nilagyan ...and pag nalagyan ng milk leeg ni baby punasan mo agad ng wet towel para matanggal ...and kht bago siya matulog sa gabi punasan m dn para ndi masyadong lumala

VIP Member

Try nyo po cetaphil ang gamitin na baby wash though better to consult pedia. Ganyan dn baby ko noong mataba sya sa milk na tumatapon ung cause ng kanya tapos pag pinupunasan. Kaya kawawa po talaga. Hope na maging ok na skin ni baby nyo po.

3 to 4 times linisan ng cotton , water w/ bit of alcohol. after linisan ihang lang muna leeg ni baby. hangang sa matuyo after mo po linisan. kase pg mataba ang baby at ganyan. agapan po ng linis lagi. para di mag cause ng irritafion.

Pahanginan nyo po kung kaya mag-angat ng ulo ni baby or lagyan po ng malambot na tela sa leeg kasi nagkikiskis ung skin kaya po ganyan. Pero kung lalagyan nyo po ng gamot, gumamit po kayo ng calmoseptine.

better to ask your pedia, magkakaiba po ang skin types. it may affect to other baby but maybe not to yours. wag nyo din pong hayaang mabasa paglumulungad or dumedede or pawisan po yan po ang nagcacause ng rashes.

Oilatum soap try nyo poh Ngkaganyan din poh baby koh pero di ganyan k grabe..oilatum soap poh ung ginamit koh magaling n poh..wag nyo din poh hayaan n mabasa ng gatas leeg ni baby..keep it dry poh lagi..

VIP Member

Wawa nmn sis si baby .try nyo po betnovate ask nyo na din po muna sa pedia . Yan kase pinangpahid ko kay baby bilis lng po nawala iwasan din po mabasa ung leeg nya ng milk ,pawis o ng laway nya pahanginan po para matuyo

VIP Member

sis dapat pinopolbo mo leeg ng baby mo para lagi dry lalo na mataba siya, wag ka maniwala na bawal pulbosin ang baby baka magka asthma,myth lang yun. Hindi inimbento ang polbo para magkaroon ng asthma ang mga bata.